Chapter 18

27.7K 327 57

Matagal ng nakatali

Kathryn's POV

Napakunot ang noo ko ng sa mga nakita ko kaya binasa ko ulit dahil baka kasi nag-iimagine lang ako tapos naki-usyoso na rin si DJ nang mabasa kong mabuti at hindi nga ako nag-iimagine ay napasigaw ako.

"What?" "Ano 'to?!"Sabay naming sabi ni DJ, Napatingin ako kay Mommy ng magsalita si Tita Karla.

"Sorry Kath, Sorry DJ."Sabi ni Tita Karla kaya napa-sapo ako ng noo ko at napatingin kay Mommy.

"Mommy naman alam niyo naman po na aso't pusa kami simula pagkabata hanggang ngayon tapos mae-engage kaming dalawa?"sabi ko kay Mommy at nagreklamo pa ko.

"Oo nga sinapak pa nga niya ako eh."sabi pa ni DJ kaya naman napatango ako, I agree with him kahit ngayon lang.

"Eh wala tayong magagawa.."sabi ni Tita Karla sabay kibit balikat at ngumiti ng nakakaloko.

"Hala eh bakit naman?"sabay na sabi namin ni DJ.

"Kayong dalawa sigurado ba kayo di talaga kayo nag-prapractice?"singit ni EJ kaya naman napatingin kami sa kanya at inirapan ko siya. Natamaan ni DJ ang siko ko kaya naman siniko ko siya at siniko niya rin ako kaya ayun nagsikuhan kaming dalawa, Walang uurong hanggat walang susuko.

"Ano ba?!"singhal ko sa kanya sabay siko ulit, Inawat naman kami ni Mommy at Tita Karla.

"Kayong dalawa talaga, Oo."sabi ni Tita Karla at inirapan ko si DJ.

"Ma! Kita mo naman di ba? Kitang-kita naman ng dalawang mata mo di ba? Ang ebidensyang hindi ko kayang makasama ang babaeng iyan habang buhay! Sinapak niya ko ma, Not once but twice!"sabi ko sabay pakita ng kamay kong nakataas ang dalawang daliri.

"Oo nga Mommy! Tignan mo nga yan hindi ko nga kayang makasama siya sa iisang bahay dahil sobrang tamad niya! Sobrang batugan!"gatong ni Kath kaya naman napatango ako. For the second time, Nagkakaisa kaming dalawa ni Kath dahil sa pinipilit na naman kami ng parents namin na magpasakal este magpakasal. Engagement?! Engagement my foot!

"Ma! Alam mo namang simula pagkabata eh aso't-pusa na kami kaya please lang po, Cancel your plans in engagement or whatever."pakiusap ko kay Mommy.

"Anong aso't pusa simula pagkabata? Diyaan ata kayo nagkakamali."sabi ni Mommy kaya napa "Huh?" na lang kami ni DJ at ng Barkada. Paano mangyayari iyon eh ang memories ko kay DJ eh iyong nasapak ko siya sa Garden ng bahay na ito.

"Alam niyo ba kung bakit namin ginawa ito? Kasi may mga sweet moments kayo noong mga babies pa lang kayo."sabay na sabi ni Tita Karla at ni Mommy na kilig na kilig pa na parang mga tinedyer.

"Swee Moments noong babies palang kami?" "Si DJ at Kath?"Gulat na tanong namin kay Mommy at Tita Karla.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!