Chapter 17

27.1K 323 17

Daniel: Wag ka ng umiyak, Okay?

Kathryn's POV


 


"KATH!"tawag sa akin kaya lumingon ako. Napataas ang kilay ko ng sinalubong ako ng pagmumukha niya.

"Anong ginagawa mo dito? Ano ipagmamalaki mo sa akin na may bubblegum ka?!"asar na tanong ko sa kanya at nagpalobo siya ng bubblegum at pinutok pa sa harapan ko.

"Ugh! Bwisit ka lumayas ka nga sa harapan ko!"sigaw ko sa kanya at pinagtitinginan na kami ng maraming tao ng mapatingin ako sa isang direksyon at nakita ko ang first love ko kaya napatigil ako sa paghahampas sa lalaki sa harapan ko.


Pumikit ako at dumilat pero wala na siya, I guess namamalik mata lang ako.

"Uy!"tawag ni DJ at narinig ko na naman ang nakakairitang pag-pop ng bubblegum sa pagmumukha ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano naman ba kasi ang ginagawa mo dito?!"asar na sabi ko sa kanya at nag-isip pa siya ng sasabihin niya habang ngumunguya ng bubblegum, Naiirita ako!

"Eh di sasama sa para malibang naman ako."sabi niya kaya naman napa-pokerface ako. Wala na ba siyang magawang matino sa buhay?

"Wala ka bang magawa sa buhay mo? Mag-hanap ka kaya ng matinong girlfriend para busy ka ng hindi ako ang ginagambala mo ko."sabi ko sa kanya at tinalikuran siya sinundan naman niya ako.

"Ito naman gusto mag-girlfriend ako? Yung matino? Eh wala na kayang ganoon."sabi niya sa akin napatingin naman ako sa kanya sabay taas ng kilay ko.

Anong wala? Meron pa kayang matinong babae katulad ko matino naman ako eh pero Ohoy di ko sinasabi na ako maging girlfriend niya ha Unggoy kaya iyan. Inirapan ko na lang bago kami pumasok sa loob ng manga store, Agad kong hinanap ang manga na hinahanap ko at binili iyon.

"Arcade tayo."yaya sa akin ni DJ habang nasa cashier kami, Pinagtitinginan pa siya ng ilang babaeng otaku na costumers maging ng cashier girl.

"Ayoko tinatamad ako."tanggi ko kay DJ at narinig ko na naman ang nakakairitang pagnguya niya sa bubblegum.

"Bakit hindi mo pa iluwa yan?! Nakakairita na ah! Wala na kayang flavor yan!"bitter na sabi ko sa kanya at nginisian niya lang ako. Padabog kong nilagay sa Cashier yung libro at ang perang pambayad ko.

"Naiinggit ka lang kasi akin talaga ang bubblegum."sabi niya at inirapan ko siya ng makuha ko ang plastic ng binili kong manga at lumabas na ako sa manga store.

"Uy Kath!"tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Gusto mo iyo na lang itong bubblegum?"sabi niya sabay pakita sa akin ng bubblegum na galing sa bibig niya kaya naman agad akong napaatras at tumili.

"Yuck ang baboy mo naman!"sigaw ko sa kanya at pinagtitinginan talaga kaming dalawa ng mga tao, Humalakhak siya at sinubong muli ang bubblegum saka nginuya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!