Chapter 49

24.9K 272 22

Patience and Gentleman

Kathryn's POV

Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ba ako kay DJ sa ginawa niya kanina. Tinototoo niya kasi yung sinabi niya na dadaan lang kami saglit sa University.

"Kathryn bakit ka na-late? Kanina ka pa namin inaantay ang usapan 10am tapos trenta minutos na ang nakalipas ang akala namin hindi ka na darating."singhal sa akin ng bakla naming group leader ng makita niya si DJ nag-sparkle ang mata niya. Mapa-Babae, Bakla, Matanda o bata nahuhumaling sa lalaking ito.

"Sorry a-ano nga palang maitutulong at gagawin ko?"tanong ko sa kanila at ramdam ko ang panunusok ng tingin ni DJ sa akin.

"Et-"magsasalita na sana yung group leader namin ng pinutol ni DJ. Napatingin naman ako kay Lexi na nakatingin sa amin habang si Ella naman busy sa kakatingin sa libro na parang walang pake.

"Hindi siya makakatulong sa pag-brainstorming niyo ngayon."sabi ni DJ at napanganga naman ako, Hindi lang ako kungdi yung bakla at si Lexi pero nag-ayos agad si Lexi ng itsura niya.

"At bakit naman Papa Daniel?"sabi nung leader at nagpa-mewang, Yung mga lalaki naman naming ka-group lumapit kay Ella na naki-join forces sa pagbre-brainstorming.

"Hindi mo na kailangan malaman, Tara na Kath."sabi ni DJ at hinawakan ang kamay ko kaya lang hinarangan kami.

"Hindi pwede kung may date kayo ipagpaliban niyo muna kasi kung aalis ka ngayon Kathryn hindi ka kasama sa reporting."sabi ng leader kaya naman agad akong kumawala kay DJ kaya lang mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi kami magdi-date okay? May pupuntahan kami kasama ang parents namin at last week pa naka-schedule ito. Aalis bukas ng bansa yung taong pupuntahan namin at alam ko namang hindi kayo magtatagal sa pagbre-brainstorming dahil uuwi rin kayo ng hapon at alam kong may continuation pa ang ginagawa niyo sa lunes."explain ni DJ na parang alam na alam niya ang mangyayari, Loko talaga ang lalaking ito.

"Isa pa importante ang lakad na ito sa amin, We're getting married."sabi ni DJ at hinatak na ako, Hindi ko man lang sila nagawang lingunin kung ano ang ekspresyon nila sa sinabi ni DJ kanina.


Ngayon nakabusangot ako sa sasakyan ni DJ habang papunta kami sa Designer na magde-design ng susuotin namin. Okay na yung design kaya titignan na lang namin pero kailangan kaming sukatan para magawa na rin yung wedding dress ko pati na rin ang suit ni DJ.


Napatingin ako kay DJ na nakangisi habang nagmamaneho sa sobrang pagka-asar ko sa kanya sinipa ko yung inuupuan niya bago ako tumingin sa labas. I know that was too childish pero sobrang naiinis ako sa kanya. Yung hindi na nga ako nakasama sa brainstorming tapos ganyan siya? Ngingisi-ngisi lang?

"Anong problema mo?"tanong niya sa akin pero nagpanggap akong walang narinig. Bahala siya sa buhay niya! Palibhasa may kompanya siyang inaasahan eh ako? Oo meron nga pero hindi naman sa akin iyon eh. Sa kuya ko mapupunta iyon tsk!

"Tss.."rinig kong sabi niya bago bumuntong hininga. Hinampas pa niya yung manibela bago ihinito sa gilid ng daanan ang sasakyan niya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!