Chapter 6

33K 497 25

The legend of Unggoy and Megaphone

Kathryn's POV

 

 

Tapos ko nang gamutin ang sugat sa gilid nang labi ni DJ but due to Adrenaline Rush nahalikan ko iyon.



"Para mas mabilis gumaling iyang sugat mo."Sabi ko sabay ngiti ng ma-realize ko kung ano at saan ang nahalikan ko. Napa-awang ang bibig ko at medyo nanlaki rin ang mata ko, Pakiramdam ko rin na nag-init ang Pisngi ko. Maka-alis na nga baka makita niya pa kong namumula.

"Sige ibalik ko na 'to doon okay."sabi ko sa kanya ng hindi ko siya tinitignan dahil tingin ko talaga namumula na ang mukha ko Syet!

Bakit ko ba ginawa iyon? Malamang Kath! Ginawa mo iyon kasi naging Habbit mo na ang paghalik sa mga may sugat matapos mong gamutin. Oo tama habbit mo na iyon dahil ganoon din naman ginawa mo kay Julia sa Economics noong 2nd year high school kayo di ba? Naulit pa iyon nung 4th year high school pero linchak lolokohin ko pa ba ang sarili ko?


Sa daliri at tuhod ko hinalikan si Julia nung nagkasugat siya.. HINDI SA GILID NG LABI! Lord sana hindi niya nakita ang pamumula ko dito.


Grabe nandito na ko sa kwarto pero ang lakas pa rin ng paghinga ko, Okay Kath.. Calm Down.. Calm Down..

PUTEK! PAANO AKO MAGIGING KALMADO? LABI IYON I MEAN SA GILID NG LABI! Bakit kasi ang tanga-tanga mo Kath? Hindi ka nag-iisip! Bakit mo agad hinalikan yung labi i mean gilid ng labi niya matapos mong gamutin yung sugat?!


Mamaya baka sabihin nung UNGGOY na iyon eh pinagnanasaan ko yung Lips niya sht! Wala na kong mukhang maihaharap pero bakit ko naman itatago yung mukha ko eh wala naman iyon dahil isa lang naman iyong malaking habit! Oo tama Habit kaya Kath dedma ka na lang.


Ano na kaya ginagawa nun? Eh bakit ba ko nag-aalala? Anong pake ko? Pero paano kapag tinanong niya ko anong sasabihin ko?! Deny? Idedeny ko ba? First Kiss na ba matatawag iyon?


Ugh! Nababaliw na ko dito leche! Pero Kath! Tama! Habbit iyon, Kalma okay? Habbit.. Oo habbit. Habbit lamang iyon. Tama habbit!

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Daniel's POV

Nanlaki ang mata ko matapos akong halikan ni Kath sa gilid ng labi ko kung saan nandoon ang sugat ko na kakatapos niya lang gamutin. Bigla siyang umalis matapos niyang gawin iyon, Alam kong may sinabi pa siya pero hindi ko na halos naintindihan yung naintindihan ko lang eh para raw bumilis gumaling..


Hindi naman sa First time kong may humalik sa akin, Madalas babae ang humahalik sa akin at minsan ako ang humahalik sa kanila pero iba ito. That was a light lip touch, That soft and light lip touch from hers.


Naaalala ko rin na namula siya, Napangisi ako pero agad din namang nawala ang ngisi sa labi ko dahil naalala ko ang pakiramdam ng magtama ang labi naming dalawa i mean yung labi niya sa gilid ng labi ko.

That light lip touch alam kong may care iyon, Alam kong nakuryente rin ako sa small kiss na iyon. Hindi ako tanga pagdating dito pero there's a desire of me na asarin siya tungkol dito bukas pero napailing ako. Ewan ko kung bakit ayaw ko siyang asarin dahil sigurado ako maiilang siya or maybe mag-sorry na lang kaya ako bukas?

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!