Chapter 38

25.2K 361 20

Kath: Sinasagot na kita

Kathryn's POV

Hawak ko ang saya ng gown kong sobrang tangkad sa akin. Nakabili na ko ng gown ko kahapon kaya lang si Mommy ang gusto niya bongga kaya ayun, Pagka-uwi namin ni DJ mula sa Music Fest kaninang tanghali pinatawag niya ang designer ng pamilya namin.


Si DJ? Ayun pinasukat din ni Mommy ng suit kaya ayan siya ngayon, Gwapong-gwapo.

"Tandaan niyo magpaka-enjoy kayo sa Ball at DJ, Ikaw na bahala kay Kath."bilin ni Tita Karla na talagang tumakbo pa sa bahay namin ng malaman niya ang tungkol sa Grand Night Ball for the end of Intrams.

"Opo ma."sabi ni DJ ng nakangisi bigla namang may sumulpot na Limo sa harapan ng gate ng bahay namin ni DJ. Napalingon ako kay Mommy at tita Karla.

"Ma! Tita! That's too flashy!"reklamo ko kay Mommy at kay Tita Karla na tumawa lang.

"Ano pang hinihintay niyo? Sumakay na kayo at baka ma-late kayo sa ball."sabi ni Mommy at wala akong nagawa, Sumakay na kami ni DJ sa limo at nakabusangot lang ako buong byahe dahil masyadong gusto nila Mommy ang bongga.

"Ang ganda-ganda mo tapos nakabusangot ka?"bulalas ni DJ kaya naman napatingin ako sa kanya na nakangisi sa gwapong-gwapo niyang suit.

"Eh kasi naman sina mommy nakakaasar na."sabi ko kay DJ at inakbayan niya ako habang nakangisi.

"Hayaan mo na sila sige nga di ba nung una naasar ka rin sa kanila lalo na nung pinagsama tayong dalawa sa bahay?"tanong sa akin ni DJ at napangiwi naman ako. Eh iba naman iyon eh.

"DJ iba naman iyon eh, Etong kinaaasar ko kay mommy she's too flashy! A freaking limo para lang sa simpleng Ball sa school?"react ko kay DJ at natawa naman siya.

"Ngumiti ka na dahil nandito na tayo."sabi ni DJ at pinagbuksan kami ng pinto ng chauffer, Una akong lumabas at huli si DJ na hinapit pa ang bewang ko. Nahihiya ako sa atensyon na nakukuha ko sa mga schoolmates namin dahil sa lahat, Kami lang ni DJ ang nakasakay sa limousine.

Mabuti na lang at may red carpet na hinanda kungdi magmumukha kaming tanga dahil sa limousine. Pumunta kami sa Hall ng university kung saan naroroon ang Grand Night Ball.

"What's with the freaking limo?"matawa-tawang sabi ni Zharm ng makarating kami sa Hall habang naka-angkla siya kay Albie.

"Si Mommy kasi.. pero tara na nandyan na ba sila?"tanong ko kay Zharm at si DJ naman nasa gilid ko pa rin kausap naman si Albie.

"Ah hindi pa wala pa si Julia at Diego pati na rin si Aria at Khalil pero parating na rin ang apat na iyon."sabi ni Zharm at naglakad na kami sa table namin habang nasa bewang ko ang kamay ni DJ at inaalalayan ang gown ko.

"Whoo! Ang ganda ng gown natin ah, Hindi naman iyan ang binili mo kahapon."sita ni Kiray ng makita ako, Nginitian ko na lang si Kiray at umupo na ako sa upuan.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!