Chapter 13

28.2K 348 13

Kathryn: Bakit gwapo ka ba?

Kathryn's POV

 


"Walanghiya ka talagang PADILLA KA!"sigaw ni Zharm habang sinusugod si DJ kaya naman agad siyang yinakap ni Albie ng patalikod.

"Pigilan mo ko Albie masasapak ko talaga yang si DJ at paduduguin ko ang ilong niya!"nagsisigaw na sabi ni Zharm pero hindi naman kumakawala sa backhug ni Albie, Sumisiksik pa nga siya eh! Lokaret talaga.

"Anong problema ni Zharm?"tanong ni DJ sa amin habang tinitignan ang bestfriend niyang mag-syota na si Albie at Zharm.

"Oo nga Zharm? Anong nangyari sa iyo?"tanong ni Aria sa kanya at medyo kumalma naman si Zharm pero nakabackhug pa rin si Albie sa kanya.

"Eh kasi naman DJ! Bakit hindi mo sinabi na kayo na pala nung Bea na yun na siya pang dahilan kung bakit hindi tayo pinansin ni Kath ng halos isang araw?"sabi ni Zharm kay DJ kaya naman sabay-sabay kaming napatingin kay DJ na nakakunot ang noo sa mga pinagsasabi sa kanya ni Zharm.

"Girlfriend? Sino? Si Bea? Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?"matawa-tawang sabi ni DJ sabay iling.

"Kanino pa ba? Edi kay Kylie! Leche naman saka hanggang kailan mo lolokohin sa Danna porket n.. porket nasa States siya kailangan timer-in?"sabi ni Zharm na muntik pang madulas buti na lang at napigilan niya.

"Hindi kami ni Bea simula ng mag-break kami ni Arie wala pa kong kapalit sa kanya."matawa-tawang sabi ni DJ at pinalo pa niya ang hita niya bago huminga ng malalim.

"Hay naku mga babae nga naman masyado ng desperada."sabi ni DJ at tumingin sa kawalan. Naasar ako sa sinabi niya. Babae ako kaya nainis ako siyempre!



"Oy wag mo namang lahatin."sabi ko sa kanya at tinignan naman niya ko.

"Eh ikaw Kath? Kailan ka aamin na may gusto ka sa akin?tanong niya sa akin kaya naman napa-nganga ako at alam niyo yung gusto kong sugurin itong unggoy na alien na ito kanina ko pa ginawa ang sarap niyang hampasin ng libro dahil WOW! WOW lang talaga kasi SOBRANG KAPAL ng mukha niya!

"Psh! Ang kapal ng mukha sino ka ba para magkagusto ako sa iyo saka Bakit gwapo ka ba?"sabi ko sabay tingin sa kanya na parang nanghahamon, Tumawa siya at tumayo para harapin ako na nakatayo.

"Oo maraming nag-sasabi."Sabi niya sabay ngiti at confindent na confident siya sa itsura niyang eyebags na tinubuan ng mukha.

"Sino nanay mo?"sabi ko sabay cross arms at with matching taas kilay pa!

"Oo pati Tatay ko."sabi niya napa-pokerface naman ako kasi tumawa ang barkada. Akmang aakbayan niya ko kaya tinanggal ko yung braso niya leche baliin ko yan eh.

"Uy may akbay na nalalaman, Ikaw ata may gusto kay Kath, DJ eh."sabi ni Cous kaya pinandilatan ko siya at tumawa lang sila ni Diego.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!