Chapter 39

24.2K 302 10

Lexi Fernandez

Lexi's POV





Titig na titig ako sa dalawang taong naghahalikan ngayon. Tsk! Oo masaya si DJ ngayon na kasama ang babaeng iyon pero alam kong mas sasaya si DJ kapag ako ang kasama niya. Noon palang akin na si DJ at hindi ko na hahayaan na mawala siya sa akin.

"Tignan mo nga naman Lexi, Dalawang sem ka lang nawala may kinahuhumalingan na agad si DJ."pangaasar sa akin ni Sandra na ngayon ay nasa likod ko, Nilingon ko siya at inirapan. Binalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nag-ngingitian.

"Mawawala rin agad iyan Sandra, Kilala mo si DJ. He won't settle for just one girl, He wants more."sabi ko kay Sandra at narinig ko ang paghalakhak niya, Nakitawa rin si Louise na kararating lang.

"Diyaan ka nagkakamali Lexi. Napatagal ang pagkawala mo maraming nagbago for the past six months kaya hindi mo alam ang mga nangyayari dito."matawa-tawang sabi sa akin ni Louise kaya tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasabi niya?

"Anong ibig mong sabihin, Louise?"tanong ko kay Louise at nagsalit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano ang nangyari for the past six months na nawala ako?

"Sobrang daming nangyari pagka-alis mo Lexi. Naalala mo si Lia? Yung naging girlfriend ni DJ na kapalit mo matapos kayong maghiwalay dahil sa issue niyong dalawa ni Diego?"pang-aasar sa akin ni Louise kaya sinamaan ko siya ng tingin pero imbes na maasar natawa ako sa pinagsasabi ni Louise. Ang alam ko naghiwalay din si DJ at si Lia.

"Louise, Naghiwalay din si DJ at si Lia kaya tigilan niyo ko dahil kung magpalit si DJ ng girlfriend parang nagpapalit lang siya ng damit."mariin kong sabi kay Louise at kay Sandra, Isa ako sa lubos na nakakakilala kay DJ dahil nakasama ko siya ng matagal. Napailing naman silang dalawa sa sinabi ko na para bang mali ako sa mga pinagsasabi ko at sila ang tama.

"No Lexi tulad nga ng sinabi namin sa iyo maraming nagbago nung nawala ka. After ng break up ni DJ at ni Lia oo marami pang naging girlfriends si DJ at ang last sa mga iyon ay si Arie, The cheerleader."kwento sa akin ni Louise at napakunot naman ang noo ko dahil parang bitin ang impormasyon na ibinigay niya sa akin.

"Nung first week ng sem nag-break sila as expected pero walang babaeng sumunod kay Arie sa sumunod na buwan. That time nagkakilala si DJ at si Kathryn, Oo nagkaroon pa ng dalawang flings si DJ pero para pagselosin siguro si Kathryn dahil mas naging close pa sila lalo after that."dagdag ni Sandra sa pagkukwento ni Louise sa mga nangyayari dito. Napadiin ang paghawak ko sa basong hawak ko, Napatingin ako sa gawi ni DJ at ni Kathryn.

"Rinig din namin niligawan ni DJ si Kathryn dahil iyon ang gusto ni Kathryn, You know DJ Lexi. Ayaw niyang nanliligaw pero this time he does! Niligawan niya si Kathryn at alam mo ba lahat ng babaeng lumapit kay DJ tinanggihan niya."pagmamalaking sabi ni Louise na para bang ako lang ang hindi nakakaalam sa lahat.

"Naalala mo? Nagkaroon din kami ng relasyon ni DJ, Lexi. I am one of his girlfriend at alam mo Lexi kung paano naging kami ni DJ."nakangising sabi ni Sandra, Sinamaan ko siya ng tingin. Tsk! Tatlong araw lang naman naging sila ni DJ eh kami? Halos isang buwan. Pinagkalat kasi ni Sandra na may relasyon sila ni DJ kaya ayun sinakyan niya pero naghiwalay din sila after three days.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!