Chapter 24

23.6K 280 16

Daniel: Nasasaktan ako ngayon

Kathryn's POV

 

"May sasabihin ako tungkol sa barkada mo."sabi niya at bigla ako nakaramdam ng kaba.

"Ano yung tungkol sa barkada ko?"tanong ko tapos umiling siya sa akin at nginisian ako.



"Alam mo ba na Bad Influence sa iyo ang Barkada mo."sabi niya sa akin kaya naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Huh? Di kita maintindihan Bianca, Get to the point."sabi ko sa kanya at naghands up siya.

"Okay fine! Napansin ko ito kanina habang kasama ko sila.."sabi niya at nag-cross arms.


"Peke ang pagmamahal ni Aria kay Khalil saka feeling silang magaling kumanta eh mga boses palaka naman. Si Zharm? Si Zharm may gusto talaga siya kay DJ at nagpapanggap lang siyang may gusto kay Albie kasi naaawa siya kay Albie. Si Kiray? Ang panget-panget niya pero ang taas ng self confidence tinalo ang height niya. Si E-"sinampal ko siya agad at napahawak siya sa pisngi niya, Tinignan niya lang ako ng masama.

"Hindi mo ba alam Kath? Sinasabi ko lang sa iyo ang mga totoong nakikita ko sa barkada mo. Si EJ? Paminta siya kaya niya pinatulan ang panget na si Kiray kasi ayaw niyang masabihan siyang bakla. Yung pinsan mong si Julia? Tsk! Nilalandi niya lang si Diego para maging close sila ni DJ at si DJ? Pinapaasa ka lang niya at sasaktan."and for the second time nasampal ko ulit siya this time mas malakas. Anong karapatan niyang siraan sa akin ang mga kaibigan ko? Kaibigan ko sila at kilala ko sila ng higit pa sa babaeng ito.

"Alam mo wala kang alam sa Barkada ko hindi naman talaga sila ganoon!"sabi ko sa kanya tapos inirapan niya ako.

"Oh really Kath?"sabi niya at nag-smirk pa! Sabi na eh this is her tactics!

"Oo sigurado ako kasi nakasama ko sila ng matagal. Hindi totoo ang pinagsasabi mo."sabi ko sa kanya at aakmang sasampalit ko siya ng hawakan niya ang kamay ko at hinagis.

"Totoo ang sinasabi ko Kath, Totoo. Ganoon sila saka para sa kanila wala kang kwenta! Sige nga? Bakit ba iniwan ka nila sa Ere?"sabi niya sa akin.

"Tumigil ka nga Bianca!"sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako titigil Kath, Concerned lang ako sa iyo kaya wag kang ganyan."sabi niya sa akin.

"Sige nga? Paano kita paniniwalaan sa pinagsaabi mo? Sino ba kasi ang matinong babae na magsasabi na.. Boses Palaka si Khalil at Aria? Si Zharm na hindi naman talaga mahal si Albie at si DJ ang gusto? Si Kiray? Panget pero mataas ang selfconfidence at ginagamit lang siyang Front ni EJ kasi Paminta si EJ? Si Julia na gusto talaga ay si DJ at hindi si Diego? Si DJ na pinapaasa at sasaktan lang-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod ko na boses pamilyar.

"Grabe ka Kath akala namin mabait ka."Lumingon ako at nanlaki ang mata ko, Ang Barkada.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!