Chapter 29

25.8K 336 20

Stage 3: Caring

Daniel's POV

 

 

Nakatulog na si Kath, Sobra akong nag-alala kanina nung malaman kong may sakit siya pero nakakatawa lang eh napagkamalan nilang buntis si Kath samantalang masama lang naman ang pakiramdam niya.

Maya-maya pumasok si Albie at Zharm sa kwarto ni Kath na nasundan nila Aria, Khalil, EJ, Kiray at Diego habang si Julia naman ang may hawak ng tray ng soup na may gamot at isang basong tubig.

"Wag kayong maingay."mahinang sabi ko sa kanila dahil natutulog si Kath, Natutulog na ang prinsesa.

"Gisingin mo muna si Cous, DJ. Nang makakain at makainom muna siya ng gamot bago siya matulog."sabi ni Julia sa akin kaya ginising ko si Kath.

"Kath, Kath gising ka muna."tawag ko kay Kath at mabilis naman siyang nagising.

"Nagpapahinga yung tao, masama ang pakiramdam ko ano ba?"naiinis na sabi ni Kath pero halatang nanghihina siya dahil hindi masyadong kalakasan ang boses niya.

"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot bago ka matulog, Cous."explain sa kanya ni Julia at nilapag sa side table ang tray kaya naman ang ginawa ko inalalayan ko si Kath sa pag-upo. Inayos ko rin ang unan na masasandalan niya dahil sigurado akong masakit ang ulo niya.

"Sino magpapakain kay Kath? Ikaw DJ?"tanong ni Albie kaya naman siniko siya ni Zharm.

"Sino pa ba?"sabi ni Zharm at natawa naman sila kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Ah, DJ.. Bukas ba ang wifi niyo?"paglilihis ni Zharm ng usapan at tinanguan ko na lang siya bago ko kunin yung tasa ng soup para subuan si Kath.


Hinipan ko muna yung sabaw bago ko itapat sa bibig ni Kath na agad naman niyang isinibo.

"Mainit."sabi ni Kath kaya naman agad kong inabot sa kanya ang tubig at uminom siya. Napatingin naman siya sa barkada na nakatingin sa amin at parang nahiya si Kath kahit masama ang pakiramdam niya kaya naman tinignan ko ang barkada para sensyasan na wag kaming tignan.

"Uh.. Sige wag niyo kaming pansinin dito, Kunwari invisible kami at kayong dalawa lang ang nasa kwartong ito."sabi ni Kiray sabay ngiti ng alanganin at bumalik sila sa ginagawa nila. Si Julia ginamit ang laptop ni Kath, The rest gamit ang smartphones nila at nag-internet ata.


Ako naman pinakain si Kath hanggang sa maubos niya ang sabaw na nasa tasa, Medyo napawisan siya at alam kong maganda iyon. Pinainom ko na rin siya ng gamot at hihiga na sana siya ng pigilan ko siya. Kailangan niyang magpalit ng damit dahil baka matuyuan siya ng pawis.

"Julia palitan niyo muna si Kath ng damit, Hoy kayo labas tayo."turo ko kayna Albie dahil magpapalit nga si Kath ng damit.

"Fafa DJ anong gagawin natin sa labas? Papalitan ka rin ba namin ng damit?"pabaklang sabi ni Diego sabay himas sa braso ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!