Chapter 7

33.5K 415 14

Meet the Girlfriend

Kathryn's POV





Isang linggo na ang nakalipas simula ng incident sa Bookstore at ang panlilibre ng Unggoy na hindi na ulit nangyari after one week. So far nakalimutan ko si Christian dahil natuon ang pansin ko sa pag-aaway namin ng Unggoy, Oo balik ulit kami sa World War III dito sa bahay.

"Oy iniwan mo yung hugasin kagabi."sabi ko sa kanya dahil siya ang maghuhugas kagabi pero ang unggoy? Ayun kumakain lang at hindi ako pinapansin. Umupo ako sa harapan niya at kumain na.


Nang maramdaman kong nag-vibrate ang bulsa ng skirt ko kung na saan ang phone ko, Agad kong kinuha iyon at nabasa ko ang text message ni Julia sa akin.



From: Cousin Julia

Cous sabay na tayo pumasok sa school antayin kita dito sa tapat ng bahay nyo bilisan mo.

P.S.
Bilisan mo :)



"Nga pala..."sabay naming sabi papatapos na siyang kumain habang ako kakain palang.



"Ikaw muna."sabi niya pero umiling ako at ngumiti.

"Hindi ikaw muna, Ano bang sasabihin mo?"tanong ko sa kanya at umiling na lang siya.

"Oh edi sige, sabi mo eh. Ang sasabihin ko lang naman ang mahuling kumain siya ang maghuhugas ng pinggan."sabi niya kaya naman agad akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay. Hindi pa ko tapos kumain pero umalis na ko, Ang gago eh! Hindi na nga siya naghugas ng pinggan kagabi ako pa paghuhugasin ngayon?



"Cous ang tagal mo halika na!"sabi ni Julia ng maibaba niya ang bintana ng kotse ni Kuya Sam, Alam kong kay Kuya Sam ito dahil madalas kaming sinusundo dati ni Kuya Sam gamit itong sasakyan niya. Sumakay na ako sa kotse nila.



"Hi Chandria."Bati ni Kuya Sam, Kuya ni Julia which is my Cousin too. Only family relatives can call me Chandria, My second name except dito sa pinsan kong si Julia na ubod ng arte COUS na lang daw pero sanay na rin ako sa tawagan namin.



"Hi Kuya Sam pasok ka na sa trabaho?"tanong ko kay Kuya Sam habang nasa tabi ko si Julia at kinakalikot ang phone niya.

"Oo eh, Nga pala Chandria. Paki-bantayan nga iyang si Julia, Warfreak eh baka mamaya mapatawag na naman kami sa university tulad ng nangyari last sem."matawa-tawang sabi ni Kuya Sam napanguso naman si Julia sa gilid ko at natawa rin ako. May babae kasing nag-attempt na i-bully kaming dalawa last sem pero nagkamali siya ng in-approached saka nilait-lait pa niya si Julia kaya ayun nagkaroon ng Cat fight, Sugatan yung babae habang si Julia nalagasan lang ng limang strands ng buhok niya.


Nakarating kami sa University ng tahimik at payapa pero nagambala iyon ng may sumigaw ng pangalan namin ni Julia.



"Kath! Julia!"Sigaw ni Zharm at Kiray kaya nakuha namin ang atensyon ng mga students na nasa labas pa kaya ayun pinagtinginan kami at pinagbulungan.



"Girl wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi nila, Ang pansinin mo eh parehas tayo ng schedule sa ilang major and minor subjects! Take note, Lahat tayo ng barkada may pagkakapareho ng ilang subjects."excited na sabi ni Kiray tapos napapalakpak naman si Zharm.



"First time in the History na ilang major and minor subject nagkasama ang barkada namin dahil madalas isa o dalawa lang, Ang bait ng tadhana ngayon sa atin."sabi ni Zharm at napa-iling na lang kami ni Julia sa kanilang dalawa ni Kiray.

"Nga pala one week na ang nakalipas simula ng lumipat kayo ng bahay di ba? Kailan ang Housewarming Party?"tanong ni Zharm, Dumating naman sina EJ kasama si Albie at Diego.

"Housewarming Party? Kailangan pa ba iyon saka tanungin niyo yung isa kung papayag ba siya."sabi ko sa kanila dahil siyempre kailangan nang Consent nung unggoy na iyon dahil bahay nga raw namin iyon. Hindi sa akin,Hindi sa kanya kungdi sa aming dalawa. Ayokong masabihan ng bastos ako at hindi nagpapa-alam.



"Alam na niya at pumayag na siyang magpa-Housewarming Party, Yung opinion mo na lang ang kailangan namin."singit na sabi ni Albie, Napakagat naman ako ng labi ko. Eh pumayagan na naman pala yung isa bakit tinanong niyo pa ako?



"Nga pala saan si Daniel?"tanong ng pinsan kong si Julia, Nagkibit-balikat ako baka naghuhugas pa ng pinggan.



"Parating na 'yun."sabi ni Diego kay Julia napansin ko namang namula yung pinsan ko.



"Ah nga pala Diego same may subject bang magkaklase tayo?"nahihiyang tanong ni Julia kay Diego, Kilala ko ang pinsan ko at alam kong nahihiya siya ngayon.



"Ah Oo nakita ko yung sched mo magkaklase tayo sa ilang major at minor subjects. Tara pumunta na tayo sa classroom para makakuha tayo ng magandang seat."Sabi ni Diego kay Julia kung alam ko lang pinopormahan niya si Julia ito namang si Julia Pa-Cute.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!