Chapter 41

24.7K 318 13

Daniel: May masakit ba sa iyo?

Kathryn's POV

Nakatanggap ako ng letter mula sa Padilla Incorporation at hindi ko pinaalam kay DJ. Lihim akong natuwa at nagbunyi na magiging empleyado ako sa kompanya nila DJ for two months.

"Bakit ang laki ng ngiti mo?"nakangising tanong ni DJ sa akin agad ko namang tinago ang letter sa likod ko.

"Ha? Ah wala naman sige akyat na ko kailangan ko kasing dumaan sa school bukas since magsisimula na ang internship ko."sagot ko kay DJ at tumakbo na ko paakyat bago pa siya magsalita at magtanong kung saan ang internship ko. Sinabi niya sa akin na sa kompanya nila ang Field Study niya since kompanya nila iyon.


Hinanda ako ni Mommy ng worksuit ko since sinabi ko sa kanya na magi-intern na ko pero hindi ko sinabi kung saan. Ayokong sabihin na sa kompanya nila DJ ako magtatrabaho dahil baka makealam sila ni Tita Karla at ayokong mangyari iyon, Bakit? Kasi parang tinanggap lang ako doon dahil lang sa may koneksyon ako at hindi sa galing ko.

Tinabi ko yung letter sa folder ko at nilagay sa drawer bago ako lumabas sa kwarto ko. Pagkababa ko nakarinig ako ng napakalas na ingay.

"Pare sige na please?"rinig kong pagmamakaawa ng isang lalaki, Wait.. Bakit nandito ang Parking 5?

"Pwede Lester tumayo nga kayong dalawa ni Katsumi diyaan, Hindi nakakatuwa."sabi ni DJ at naabutan ko sila sa sala. Si Katsumi at si Lester nakakapit sa dalawang binti ni DJ at nakaluhod samantalang sina JC at Seth naman naka-indian sit sa lapag.

"Eh kasi pumayag ka na, Alam mo naman na tuwing nagbu-book ng flight si Mycko pauwi dito laging cancelled ang flight kaya ayun stuck in the states pa rin siya hanggang ngayon."paliwanag ni Katsumi kay DJ, Natawa naman ako sa stuck in the states. Kaya napatingin sila sa akin na pababa ng hagdan.

"Kath!"baling sa akin ni JC at Seth na lumuhod din sa harapan ko at kumapit sa binti ko. Napansin ko naman ang pagsalubong ni DJ ng kilay niya.

"Kath please kumbinsihin mo si Kuya na tumugtog mamayang gabi, Please wala kaming basista kailangan namin ng baho."pagmamakaawa ni JC habang si DJ ayun todo salubong ang kilay.

"Baho lang ba? Nandito naman si Lester oh mabaho di ba nag-trending pa nga siya sa twitter noon?"matawatawang sabi ni DJ kahit na may halong sarcasm ang tono niya hindi ko alam kung para saan iyon pero sure akong nagseselos siya kay JC at kay Seth.

"Kath sige na kumbinsihin mo si DJ mahalaga ang gig na ito may dadalong manager ng Sun Records, DJ aabandunahin mo na ba ang Parking 5?"tanong ni Seth habang umiiyak sa totoo lang mineral water lang iyon na pinahid niya sa pisngi niya kanina nung hindi nakatingin sina DJ sa kanya.

"OO NA SIGE NA BASTA TANGGALIN NIYO YUNG MGA KAMAY NIYO SA BINTI NI KATH!"sigaw ni DJ sa dalawa at mabilis pa kay flash na tumayo sina JC at Seth si Katsumi at Lester naman nakayakap pa rin sa binti ni DJ.

"We love you so much fafa DJ! Lagi mong tatandaan iyan."girly tone na sabi ni Katsumi at pinilit tumayo kaya lang nagkaroon ng cramping ang paa niya dahil kanina pa pala siya nakaluhod sa harapan ni DJ.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!