Chapter 35

25.1K 292 13

Daniel: Kiss mo ko para manalo ako

Kathryn's POV

Hiyang-hiya si DJ ng malaman niya kung ano ang ginawa niya sa akin kagabi, Mabuti nga sa kanya. Hindi na sana siya uminom ulit ng walang nangyaring ganoon. Si Diego? Ayun kaya pala badtrip kagabi dahil nasukahan ng magaling na si DJ.


Naku talaga itong lalaking ito! Stress! Pero mas nakakastress ang game namin ngayon. Ngayon na kasi ang sports tournament ng Intrams. Lamang ang kalaban ng ilang puntos sa score na 26-42 ng Basketball game, Kanina pa natapos ang volleyball game namin and guess what ako lang ang naglalarong naka-jogging pants kanina.


Nung practice nga naka-jogging pants hanggang ngayon ba naman? Wala akong magawa! Si DJ kasi kung hindi raw ako magsusuot ng jogging pants.. Itutuloy niya yung ginawa niya nung nakaraang gabi siyempre natakot ako kaya ayun, Hello Jogging pants ako kanina.


Ngayon basketball na ang game, Halos kabado ang lahat siyempre baka matalo ng mga taga-Business Ad ang mga taga-Business Management.

"Sht! Matatalo na sina DJ."nag-aalalang sabi ni Zharm habang nakatingin sa team nila DJ kasama sina Diego at Albie.

"Go Diego myloves! Bring the cup!"sigaw ni Julia at si Diego naman kinindatan siya bago magpatuloy sa laro.

"Go Albie! Mahal kita ipanalo mo ang game!"sigaw naman ni Zharm at nag-thumbs up si Albie kay Zharm saka ito bumalik sa laro. Napatingin naman ang barkada sa akin na nakaupo sa bleechers kaya nakunot ang noo ko.

"Ano?"nagtatakang tanong ko sa kanila. Tinapik ni Aria ang balikat ko.

"Star player si DJ dati, Magaling maglaro ng basketball hindi mo ba bibigyan ng pampagana?"tanong niya sa akin kaya naman napanganga ako. Pampagana? Ano sisigaw ako tulad ng ginawa ni Zharm at Julia sa mga boyfriend nila? Eh hindi naman ako ang girlfriend ni DJ.

"Sige ka matatalo ang team natin."sabi ni Khalil sa akin at nag-apir sila ni EJ. Hindi sumali si Khalil at EJ sa baskteball dahil hindi nila hilig. Sumali na kasi sa Music Fest si Khalil which is isa rin sa event ng intrams after ng sports tournament namin habang si EJ naman sumali sa Art Contest dahil sa kurso niyang Fine Arts, Sa aming barkada si EJ at Kiray lang ang may kursong Fine Arts dahil mahilig sila sa arts.

"And Goal for the Business Ad!"sabi ng Host at nanlumo ang Business Management dahil 26 pa rin ang points namin. Nagkaroon ng one minute break at naglaro na ulit sila, Napatingin ako kay DJ na chinicheer naman ng mga babaeng Fans niya.


Ang dami na ngang nagchi-cheer sa kanya pero bakit nanlulumo pa rin siya? Uh.. Ako ba ang kailangan magbigay sa kanya ng pampagana? Huminga ako ng malalim, Nang tumahimik ang lahat dahil magsisimula na ang game sumigaw ako.

"Go jersey number twenty five, Go for Goal! Whoo!"sigaw ko sa gitna ng katahimikan, Napatingin si DJ sa pwesto namin at nag-flying kiss sa akin. Kaya ang tahimik na paligid ng gym biglang naghiyawan dahil sa Flying Kiss ni DJ hindi dahil sa sigaw ko.


Pinagtutulakan naman ako ng barkada at nagsimula na ang game. Kung kanina lalamya-lamya si DJ ngayon nagpapakitang gilas ang loko. Lagi niyang target ang three points minsan shoot minsan naman hindi.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!