Chapter 30

33.6K 357 24

Stage 4: MU means..

Kathryn's POV





Nakatambay kami sa Lawn Area sa University, Wala na kaming klase dahil half day lang kami ngayong araw.

"Kath."tawag sa akin ni DJ kaya nilingon ko siya.

"Ano?"tanong ko kay DJ at nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, Nagsigawan naman ang barkada kaya napatingin ang ilang estudyante sa amin.

"Dinner Date tomorrow, Hindi ka pwedeng tumanggi. Sa ayaw at gusto mo gugustuhin mo."sabi niya at bumalik na siya sa ginagawa niya, Ako naman naiwang namumula dito. Pinagtutulak naman ako nina Zharm dahil sila ata ang kinikilig.

"Anong sabi ni DJ? Anong sabi ni DJ?"kinikilig na sigaw ni Aria kaya talagang pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito.

"Uh.."na-speechless ako dahil talagang wala akong masabi dahil sa kilig, Oo kinikilig ako kay DJ. Sa tingin ko may nararamdaman na ako sa kanya at kung ano iyon? That's for me to find out.

Napatingin ako kay DJ na nakatingin sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Shet! Kinilig ako dun! Nakatingin sa akin si DJ!

"Naiihi ako samahan niyo ko."sabi ni Aria at hinatak kaming apat nila Julia. Nang makalayo kami sa mga lalaki na nasa Lawn Area bigla silang nagtanong sa akin.


"Kath MU na ba kayo ni DJ?"sabay na tanong nilang apat sa akin.

"MU?"nakakunot-noong tanong ko sa kanila. Kami ni DJ? MU?

"You know, MU? Malanding Ugnayan."sabi ni Kiray kaya naman nabatukan siya ni Julia dahil sa kalokohan niya.

"Ano ba yan Kiray! Ayusin mo nga! Kath ang MU means Miss Universe."sabi naman ni Aria kaya pati siya nabatukan din ni Julia natawa naman ako alam ko naman ibig sabihin ng MU eh kaya lang bakit nila natanong?

"Ano ba kayo! M.U means Mukhang Unggoy."sabi naman ni Zharm kaya nabatukan siya ni Julia.

"Ayusin niyo nga! Cous ang M.U ay-"si Cous kaso pinutol ko siya alam ko naman ang ibig sabihin ng MU eh.

"Alam ko ang M.U it means M-"

"Muntanga U."sabi ni Julia kaya naman nabatukan siya nila Zharm, Aria at Kiray dahil kanina binatukan ni Julia at tatlo dahil sa kalokohan nila.

"Pero eto Kath seryoso, Ang MU ay-"pinutol ko si Kiray kasi alam ko naman ang ibig sabihin ng MU.

"Mutual Understanding right? Alam ko."sabi ko sa kanila tapos ako naman ang binatukan nila.

"Aray! Masakit yun ah!"sigaw ko sa kanila. Nag-cross arms naman sila.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!