Chapter 31

26.9K 310 22

Kathryn: Hindi mo alam kung gaano kita kamahal

Kathryn's POV

"Kath."sabi ng isang tao na boses pamilyar na nasa likod ko kaya pag-lingon ko sa kanya.

"DJ!"sabi ko sa kanya at agad ko siyang yinakap ng mahigpit ng makita ko siya.

"Kath.."tawag niya sa akin at kumalas kami ng yakap, Ngumiti pa siya at may gana pa talaga siyang ngumiti?!

"Akala ko ba na-aksidente ka? Walanghiya ka! Pinag-alala mo ako ng sobra!"sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas ko siya. Mabilis naman niyang hinawakan ang kamay ko na pinaghahampas siya.

"Sorry, Sorry."sabi niya sa akin kaya lalo ko pa siyang pinaghahampas.

"Sorry?! Sorry?! Eh paano kung talagang na-aksidente ka? Alam mo bang sobra akong nag-alala?"sigaw ko sa kanya at natawa naman siya, May gana pa talaga siyang tawanan ako?!

"Alam kong magagalit ka kaya i am so sorry okay? That's the part of the plan for tonight so let's enjoy this night pwede?"sabi ni DJ, Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Enjoy? Paano ko mag-eenjoy kung akala ko mawawala ka kung akala ko na-aksidente ka? Paano ako mag-eenjoy?"sabi ko habang pinagpapalo ko pa rin yung dibdib niya pero nagulat ako ng hatakin niya ako at yakapin.

"I am so, so, so sorry Kath, Okay? Please! Mamaya mo na ko sermunan sa bahay pagka-uwi natin but for now let's just enjoy this night, Pwede?"sabi niya kaya napatango ako at yinakap siya ng mahigpit.

"Akala ko talaga mawawala ka na sa akin, Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan kanina at Hindi mo alam kung gaano na kita kamahal."sabi ko sa kanya habang mahigpit ko siyang yakap. Nagulat ako ng kalasin niya ang yakap at tinignan ako habang hawak ang pisngi ko.

"Mahal din kita Kath, Mahal na mahal. Alam kong mabilis pero sa loob ng dalawang buwan at kalahati ba naman kitang kasama sa bahay, Sinong hindi ang magkakagusto sa iyo?"sabi ni DJ sa akin at napapaiyak ako sa sobrang kilig ko.

"Lahat na mismo na sa iyo na Kath. Ang ganda, Ang bait at Ang talino pero alam mo Kath kung ano ang pinaka-importante na nasa iyo?"tanong ni DJ sa akin kaya umiling ako at pinunasan niya ang luha na tumulo sa mata ko, Nilagay niya ang kamay ko sa dibdib niya.

"Ang puso ko, Kath nasa iyo ang puso ko."sabi ni DJ at yinakap ko siya dahil sa sobrang kilig ko.

"Iyon nga lang dahil nasa iyo na ang lahat pati ang megaphone nalunok mo." kumalas ako sa yakap at binatukan ko siya. Ayan na naman siya sa mga pang-aasar niya eh!

"Ayan ka na naman sa mga pang-aasar mo eh!"sabi ko sa kanya at ngumuso, Loko kasi!

"Kath kailangan ko pa bang ulitin? Hindi ba sinabi ko sa iyo na wag kang mag-pout?"sabi ni DJ kaya naman kumunot ang noo ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!