Chapter 14

26.8K 328 8

Kathryn: Naglaglag ako sa Veranda.

Kathryn's POV

 

"Hay kapagod."sabi ko pagkarating na pagkarating namin ni DJ sa bahay. Nilapag ko sa kitchen counter ang bag ko at mga libro sabay kuha ng baso para uminom ng tubig.

"Kailan natin sisimulan yung panorama?"tanong ni DJ kaya naman napatingin ako sa kanya at nilapag ko ang baso sa lababo.

"Uh matagal pa naman ang deadline ng panorama so gagawin ko muna yung homeworks ko sa Chem II dahil gusto ko ng matapos ang subject na ito ng hindi ko na kunin ulit sa next sem."sabi ko kay DJ at natawa naman siya sa sinabi ko.

"See pati ikaw nahihirapan din sa Chem II akala mo naman kung sinong matalino."narinig ko pa ang bulong niya kaya inirapan ko na lang pero kalaunan natawa rin kaming dalawa.


Umakyat muna ko sa kwarto ko para makapagpalit ng damit, Pagkababa ko umupo ako sa stool ng kitchen counter at gumawa ng homework ko. Dito ako gagawa para kapag nagutom ako ilang lakad lang sa ref.


Si DJ ayun kababa lang din ata at may kausap pa sa phone niya.

"Ha? Oo naman ako lang mag-isa bakit?"sabi ni DJ sa kausap niya sa phone, Napatingin ako sa kanya at tinignan niya pa ako.



"Ano?! Hindi pwede."
bigla niyang sigaw at nakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.



"Hello? Hello! AY SHIT!"
Huling sabi ni DJ at bigla siyang nagpanic.


"Ano ba yun?"tanong ko sa kanya at ang itsura niya? Mukha siyang gago dahil parang hindi niya alam ang gagawin niya.


"Ano kasi! Kath sina Ate Kylie papunta na raw sila dito! Ah sht!"sabi ni DJ na tarantang taranta, Kaya naman ako nag-panic na rin at nataranta!

"Ano?! DJ naman ano 'to? Anong gagawin natin yung mga Gamit ko paano 'to?"Sabi ko sabay talon sa stool sa kitchen counter.

"Kunin mo yung mga gamit mo."Sabi niya kaya naman nagmadali akong tumakbo sa living room kung saan nakakalat ang mga gamit ko.

So ayun Kinuha ko yung mga gamit ko na nakakalat sa salas tapos nilagay ko muna sa Kwarto ko tapos bumaba ako! Grabe natataranta na ako alam nyo yung Feeling si DJ naman nasa Laundry Side inaayos yung mga damit ko para di makita, Bigla kong naalala yung bike ko.

"DJ paano yung Bike ko sa labas?"sabi ko tapos nataranta ako paano ko makukuha iyon? Paano na lang kung makita nila ko sa Gate?

"Ako na bahala doon."Sabi niya tapos inaalala ko kung may nakalimutan pa ko kaso biglang may nag-doorbell kaya lalo kaming natarantang dalawa.

 

"DJ nandyan na sila akin na yung Universal Key at yung susi ng kwarto ko bilis!"Sabi ko tapos natataranta akong umakyat sa ikalimang baitang ng Hagdanan. Si DJ naman natatarantang kinukuha yung susi sa Cabinet.

"Kath ito na bilis akyat ka na!"Sabi niya habang binibigay sa akin yung susi halos malaglag nga dahil nanginginig yung kamay niya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!