Chapter 12

28.1K 345 4

Reconcile and Enemies

Kathryn's POV

Mix emotions ang nararamdaman ko ngayong mag-isa ako. Masaya ako dahil tahimik.. Peaceful kumbaga at Malungkot ako dahil mag-isa ako.. mag-isang mag-isa.



"Alam mo bang hindi maganda kung magmumukmok ka lang diyaan?"sabi ng isang babae sa akin, Maliit siya pero may itsura. Umupo siya sa tabi ko at tumingin siya sa ulap.

"Nakita ko kahapon ang nangyari sa Cafetiria, Nakakainis si Bea di ba? Btch yun kaya hayaan mo na."sabi pa niya at nginitian niya ko.

"Ella Cruz, You're Kathryn Bernardo right?"pakilala niya at tumango ako dahil hindi ko na kailangan magpakilala.

"Sa totoo lang wala akong balak kausapin ka dahil parang ang gulo ng buhay mo pero kinausap kita dahil kailangan mo ang tulong ko."sabi niya at tinitigan ko siya.

"Ha?"hindi ko kasi ma-gets ang sinasabi niya.

"Tulong, Loner ka ngayon di ba? Narinig ko rin yung agreement chuchu mo sa pinsan mo and that agreement sucks. Don't worry hindi ako makikipagkaibigan sa iyo, Acquintance lang para naman hindi ka maging totally loner."nakangiti niyang sabi sa akin at napangiti rin ako, Natuwa ako sa sinabi niya tungkol sa agreement.



"Kaano-ano mo ba si Daniel?"tanong niya out of the blue, Hindi ko naman pwedeng sabihing Housemate dahil iyon yung sikreto namin.

"Family friend."sabi ko kay Ella tungkol kay DJ, Totoo namang family friend siya.

"Oh? Eh bakit kahapon bago mo sapakin si Bea na sinalag naman niya eh naghapitan pa kayo ng bewang sa ilalim ng puno?"sabi niya kaya napakunot ang noo ko, Naghapitan ng bewang?

"Ah i get it! Sa ekspresyon pa lang ng mukha mo unconciously niyo iyon ginawa, Oh well.."sabi niya sabay ngisi at naalala ko na kung ano yung sinasabi niya.

"Ay hindi! Naalala ko na, Naiinis kasi ako kahapon pinipilit niya lang mag-sorry kaya ayun wag kang mag-isip ng kung ano wala yun."sabi ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko, Tinignan din niya ko ng parang hindi siya makapaniwala.

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?"tanong niya sa akin at nakaramdam naman ako hiya at asar.

"Uh.."speechless. Wala akong masabi sa kanya dahil baka pagtawanan na naman niya ako, Magsasalita na sana ako ng tumunog na ang bell.

"Aalis na ko, Mamaya pang 8 ang klase mo di ba? 7 ako eh kaya sige mauna na ko."sabi niya at tumalikod paalis, Nilingon ko siya at pinagmasdan ko ang likod niyang papaalis sa roofdeck. Tumigil siya at nilingon ako..

"Oh nakalimutan ko, Ang cool mong manapak pero sa susunod wag mo ng gawin iyon kapag napuno ka na kasi baka mapahamak ka na."at napanganga ako sa sinabi niya bago siya umalis pero napaisip nga ako sa sinabi niya, Kung hindi sinalag ni DJ yung sapak ko kahapon siguro na-expel na ko sa University na ito.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!