Chapter 33

25K 334 30

Kathryn: Sana pala hindi ako umamin sa nararamdaman ko

Julia's POV

Natatakot ako sa sinabi sa akin ni Diego tungkol sa tatlo. Kay Danna, DJ at lalo na sa pinsan ko pero iniisip ko palang nasasaktan na ko dahil sa kanilang tatlo mas kawawa ang pinsan ko kapag nagkataon. Nakakainis din kasi si Danna, Sinabi niya sa amin maghihiwalay din sila ni DJ para kay Matt pero bakit hindi niya pa deretsuhin si DJ na "BREAK NA TAYO DJ!" pinapatagal pa niya! Hindi niya ba alam na nakakasakit siya?


Naaawa ako sa pinsan ko kasi kahit hindi niya sabihin sa akin alam kong nasasaktan siya, Sa loob ng dalawang araw kahit na hindi magsalita si Cous halatang nasasaktan siya. She just bearing the pain at ang akala niya ata malakas siya pero nagmumukha lang siyang martyr, Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang frustration.

"Uy Juls, Okay ka lang? Kanina ka pa bumubuntong hininga saka kanina mo pa hinihilamos ang mukha mo, Anong problema mo? Iniisip mo pa rin ba yung sinabi ko sa iyo?"tanong ni Diego kaya naman napatingin ako sa kanya at sumandal.

"Diegs naiinis ako sa ginagawa nila Danna at DJ sa dalawang pinsan ko, Dehado silang dalawa sa laban na 'to."sabi ko kay Diego. Kung gusto kasi ni Danna at DJ na magkabalikan, Magkabalikan na sila kasi nasasaktan lang si Kath at si Matt eh.

At kung wala na naman silang nararamdaman sa isa't-isa tapusin na nila kasi nasasaktan talaga ang dalawang pinsan ko.

"Juls sinabi ko na sa iyo ito, Kung si Kath at Matt matatag ang loob ikaw pa kaya na hindi naman talaga involve?"sabi ni Diego at napabuntong hininga na lang ako.

"Cous! Diegs! May problema kayo? Ikaw Diego? Nabuntis mo si Cous? Gago ka."sabi ni Cous na sumulpot na lang. Madalas na tambay kasi siyang dito kaya ganyan na nakakapasok na lang basta-basta.

"H-Ha? Hindi!"sabi ko kay Cous at ngumisi siya sabay lapag ng Carbonara sa harapan namin.

"Nagluto ako since bored sa bahay kaya ayan."sabi ni Cous habang nakangiti. Alam kong hindi talaga siya masaya kaya ngumiti na lang din ako para less worries na siya.

"Si DJ?"tanong ni Diego, Ang sarap mong batukan Diego! Inapakan ko siya at siniko.

"Ayun kasama si Danna sa bahay tara kain tayo."sabi niya and planted another fake smile.


Alam na pala ni Danna na engaged na si DJ kay Kath pero hindi ko alam kung alam na ni DJ na engaged si Matt at si Danna. Awang-awa talaga ako kay Kath at Matt pero mas naaawa ako kay Matt dahil harap-harapan ba naman siyang itanggi ni Danna kay DJ ng magtanong si DJ kung magkilala ba si Matt at Danna nung kakauwi palang nila.

"Nga pala naalala mo ba yung sinabi ko sa iyo Kath?"pasimula ni Diego habang kumakain kami, Natigilan ako para magprotesta kay Diego.

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Kathryn's POV

 

 

"Nga pala naalala mo ba yung sinabi ko sa iyo Kath?"sabi ni Diego sa akin at pinilit kong ngumiti.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!