SLH (The Special Book)

27.4K 392 26

Dear Readers of Same Love at House,

         Matagal bago nagkaroon ng book 2 kaya eto na! SLH (The Special Book) Iyan ang title ng Book 2, Bakit iyon ang title? Well wait for the Ending of that book. I called it the Special Book because of it's Third Gen story na matagal ko ng natapos at mas kilala bilang Empty Space Left for You. Yes there is a Third Gen at siyempre walang Third Gen kung walang Second Gen haha! What's the Second Gen? the In My Heart Series also known as You're Always In My Heart and Forever In My Heart na binasa rin naman ng mga readers noon, Actually matagal ko ng natapos ang tatlong book bago pa ang actual Book 2, What a life! Haha ang abnormal ko ano? But it takes a lot of time bago ko nagawa ang book 2 so Thank you sa lahat ng nagbasa, Nagbabasa o magbabasa ng libro.

For now you may read the Before story in SLH (The Special Book) how DJ and Kath's twins (Francis and Mikay) were born.

~Cynthia

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-


Tutok na tutok ang mag-asawa habang nanonood ng palabas sa TV sa Hospital Room ni Kath. Nagle-labor na kasi si Kath kaya nasa Hospital na dahil any minute pwedeng manganak si Kath depende sa dalawang bata kung kailan nila gustong lumabas pero kung gusto nila next year bulok na sila sa loob ng bahay bata ni Kath by that time.


It's been nine months at maraming paghihirap ang dinanas ni DJ, He needs to be understanding lalo na nung naging moody si Kath na paiba-iba talaga ng mood at mabilis umiyak. The good thing is mabuti na lang at hindi abnormal ang appetite ni Kath nung nagbubuntis siya na kung anu-ano ang kinakain tulad ngayon she's eating a normal food.

"Ayos ka lang?"tanong ni DJ kay Kath ng mapansing hindi kumportable ang asawa niya sa habang nanonood silang dalawa. Umiling si Kath at napahawak sa tiyan niya, Naramdaman niyang humilab ang tiyan niya at dalawa lang ang pwedeng mangyari.


Ang manganak na siya o ang tumae lang pero dahil sa may narinig silang pumutok at biglang may lumabas na tubig sa legs ni Kath, Manganganak na nga si Kath.

"D-DeeJay! Ang sakit!"sigaw ni Kath at sinabunutan si DJ, Kawawang lalaki. Tsk.. Tsk.. Tsk..

"ANO?!"sigaw ni DJ na late reaction. Hindi kaya lumabas na ang ulo ng dalawang bata sa sobrang kabagalan ni DJ? Agad na bumalikwas si DJ sa pagkakahiga sa kama ni Kath at pinindot ang emergency button para tumawag ng nurse.


Kinuha rin niya ang phone niyang magkandalaglag-laglag dahil sa pananabunot sa kanya ni Kath. Kawawang anit! Tinawagan ni DJ ang parents nila para masabihan na manganganak na nga ang asawa niya. Agad na dumating ang nurses at hinanda si Kath para dalhin sa labor room.



"Kath, Relax wag kang kabahan."sabi ni DJ kay Kath habang hawak nito ang kamay niya sa Hospital Bed para ilipat siya sa may Labor Room. Relax? Sa tingin ba ni DJ magagawa pang mag-relax ni Kath kung sumasakit ang ari niya't humihilab ang tiyan niya at the same time nag-aalala dahil sa panganganak?

"D-Di ko na kaya! S-Sobrang sakit na DJ!"sigaw ni Kath sa asawa niya at humigpit ang hawak niya sa kamay nito. Halos bumaon ang kuko sa balat hindi na lang maka-reklamo si DJ dahil buntis nga si Kath. It takes a lot of effort and patience to wait for a beautiful babies.



"Ayan na yung apo natin lalabas na ang kambal."excited na sabi ni Mama Karla kay Mommy Min hanggang sa makarating na sila DJ sa Labor Room.



"Hanggang dito na lang po kayo."sabi ni Doktora ni Kath at pinigilan silang malapasok sa loob sabay sarado ng pinto. Naiwang nasa labas ang mga pamilya kasama na si DJ, Napahinga ng malalim sa sobrang kaba si DJ na nakatingin sa salamin ng pinto but no use, Hindi niya rin makikita ang asawa.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!