Chapter 42

24.9K 284 34

The Battleground

Kathryn's POV

Naka-white long sleeve ako at black pencil skirt na pinatungan ko ng blazer. This is too formal for a business meeting pero first time ko kaya eto masyadong formal. Humarap ako sa vanity mirror ko at kinuha ang pressed powder ko na may hypo allergenic, Kailangan kong mag-light make up.


One last look sa sarili ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko ng kwarto ko naabutan ko si DJ na inaayos yung necktie niya, Napangiti naman ako.

"Ako na."sabi ko sa kanya at inayos ko ang necktie niya. Narinig ko ang pagtawa niya ng maliit kaya napa-angat ang tingin ko sa mukha niya.

"Para na tayong mag-asawa dito."sabi niya at naramdaman kong umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko. Binitawan ko yung necktie niya at inayos ko sa balikat ko ang bag ko.

"Ah.. Sige alis na ko ma-late ako, Ikaw rin ingat ka."sabi ko sa kanya at nag-aalangan pa ko kung hahalikan ko siya sa pisngi niya o sa labi niya. Nakatayo lang ako sa harapan niya at tinignan siya.. Bahala na!

"Gusto mong sumabay?"tanong niya napahinto ako sa gagawin ko, Hahalikan ko na sana siya napahinga naman ako ng malalim.

"Ha? Hindi na baka ikaw yung ma-late first day mo rin di ba? Magta-taxi na lang ako."sabi ko sa kanya at umiling siya.

"No sumabay ka sa akin, You are my girlfriend and that is my duty."sabi niya at hinatak ako papunta sa sasakyan niya. Oh my gosh! Paano na 'to? Malalaman niya na doon ako magtatrabaho sa kompanya nila? Eh surprise ko sana.


"Saan ka ba magi-intern?"tanong niya sa akin kaya naman kinagat ko ang labi ko. This is supposed to be a surprise pero malalaman naman niya di ba?

"Ah.. sandali."sabi ko at kinuha ko yung envelope sa bag ko. Binigay ko sa kanya at kunot noo naman niyang kinuha sa akin iyon.

"Ano 'to?"tanong niya habang binubuksan yung envelope. Napansin niya rin yung seal ng Padilla Incorporation sa labas ng envelope.

"Sa amin ka magi-intern?"tanong niya sa akin na parang hindi na nagulat. What the? Hindi ba siya natutuwa na makakasama niya ako?

"Ah, Oo nasurprise ka ba?"nakangiti kong tanong sa kanya na nagba-baka sakaling na-surprise nga siya at natutuwa siya.

"No, Actually alam ko na ito inaantay ko na lang na sabihin mo."sabi niya sa akin at napatango naman ako.

"Ahh alam mo na pala.. What?!"nalaglag ang panga ko ng ma-realize ko yung sinabi niya. Alam na niya? Sht naman! Eto na nga ba ang sinasabi ko..

"Alam ko na okay? Actually tinawagan ako ni mama nung makita niya yung resume mo."paliwanag niya sa akin at napalunok ako ng laway ako. Nakapasok ako sa kompanya nila kasi may koneksyon.

"So sinasabi mo sa akin na nakapasok ako kasi dahil sa iyo at sa mama mo? Hindi dahil sa ako ito?"medyo inis kong tanong kay DJ, Narinig ko ang pagngisi niya kaya napangiwi ako. Eto ang ayaw ko, Ito ang ayaw na ayaw ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ko si DJ.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!