Chapter 27

25.2K 322 23

Stage 1: In-Denial

Aria's POV



Okay so here we go dumating si Jessy Mendiola ang ex-girlfriend ni DJ last year hindi ba umalis si Danna so itong loko nag-hanap ng iba! Well pang lima si Jessy doon, Bigla ba namang lumapit tapos halikan daw ba. Ito namang si Kath, Ayun! Nag-walk out dahil masama RAW ang kanyang puso este pakiramdam.



"Ria SPG!"sigaw ni Lil sabay takip ng mukha ko, Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at saka ko siya binatukan.



"Loko ka Lil SPG ka diyaan."sabi ko at biglang tinulak ng pinsan ko ang kanyang ex-girlfriend na bigla siyang sinunggaban.


Ang unang ginawa ni DJ matapos niyang itulak kanyang ex-girlfriend? Agad niyang hinanap ang kanyang binibini na nagngangalang Kathryn.

"Na saan si Kath? Na saan siya?"tanong ni DJ sa amin at nataranta siya ng makitang wala ang kanyang binibini na nag-walk out kanina.

"Mauna na raw siyang umuwi dahil sumama raw ang kanyang pakiramdam."sabi ni Julia habang nakangisi, Mabilis namang tumakbo si DJ. Susunod pa sana sa kanya si Jessy ng amin siyang harangan! Yeah! haha.



"Hi Jessy! Kamusta ka na?"jolly kong sigaw kay Jessy, Okay spell awkward?




"The hell who are you?"sabi niya sa akin at lumapit pa ako sa kanya.



"May Amnesia Girl lang ang peg? Aria Clemente the Beautiful, Gorgeous and Talented Cousin of the Daniel Padilla and the Future wife of Khalil Ramos."sabi ko at nakita kong namula si Khalil. Nagulat na lang ako ng bigla akong batukan ni Zharm, Akala ko matatanggal na ang ulo ko sa katawan ko.



"Ouch! Ang sakit mo maka-batok Zharm!"sabi ko kay Zharm at umarte naman siya na parang bata.



"Eh Aria naman eh bakit bati mo iyan?"sabi ni Zharm sabay pout at natawa naman ako ng bongga sa ginawa niya kaya nabatukan niya ko ulit, Sinamaan ko siya ng tingin.



"Aray! Dalawa na Zharm, Dalawa na!"sabi ko at nag-cross arms ang gaga.



"You mind saan nakatira si DJ?"tanong ni Jessy kaya naman nabaling ang atensyon ko kay Jessy.



"Correction saan nakatira si DJ at Kath."sabi ko at OA na umarte si Jessy sa akin.
 


"What?! May kasama siya sa tinitirhan niya?"gulat na tanong ni Jessy sa amin at namilosopo si Zharm.



"Malamang dalawa nga di ba?"sabi niya at biglang sumulpot si Kiray na akala ko patay na.



"Excuse me fiancee ni DJ yung kasama niya sa bahay."sabi ni Kiray.



"Buhay ka pa pala K?"tanong ko at sinamaan niya ko ng tingin.



"Malamang kaya nga nakakausap mo ko ngayon eh saka busy lang ako kanina may wifi kasi sa surroundings na ito kaya ayun nag-tweet lang ako tignan mo mamaya Trending na yung hashtag!"sabi ni Kiray at inilingan ko na lang siya magsasalita na sana ako para asarin si Jessy kaya lang umepal si EJ.



"Guys sundan natin sila Kath at DJ."sabi ni EJ at wala na kong nagawa, Susundan pala si Kath at DJ eh kaya ayun nauna na kami.


Nasa bungad sila ng subdivision kung saan nakatirik ang bahay nila. Nakita namin na yakap ni Quen si Kath at umiiyak siya! Tulad ng mga nasa teleserye biglang dumating si Batman to the rescue siya! Nagtalo pa ang dalawa tulad ng lagi nilang ginagawa.



"Guys umaambon."sabi ko ng biglang may pumatak sa mukha kong tubig. Imposibleng galing sa bibig iyon ni Kath dahil ang layo nila sa amin.



"Di naman ah."sabi nila sa akin. Nilabas ko na lang ang payong ko, Binuksan ko yung payong. Saktong bumuhos ang ulan kaya ayun sumilong sila sa akin kasi dapat daw share-share.. Yung totoo? Ano ito? Nestea CF?


Napansin namin na kung anu-anong kadramahan ang ginawa nilang dalawa bago sila nag-kiss.. Nag-kiss?! OMG! NAG-KISS SILANG DALAWA!

"Sa tingin ko in-denial lang si Kath, Umamin na sa atin si DJ di ba? Hanggang umamin si Kath sa nararamdaman niya wag muna natin silang asarin dahil lalong i-dedeny ni Kath yung nararamdaman niya para kay DJ."sabi ni Diego sa amin at napatango naman kami as a sign of agreement hanggang sa may tumubong bright florecent lamp sa ulo ko.

"Guys may naisip ako! Kung kausapin kaya naming mga girls si Kath tungkol sa nararamdaman niya at kayo namang mga boys kausapin niyo si DJ sa plano na paaminin si Kath sa feelings niya."sabi ko sa kanila tungkol sa plano ko at bigla akong binatukan ni Zharm sa pangatlong pagkakataon.

"Sht naman Zharm! Tatlo na!"sabi ko kay Zharm at sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh kasi naman Aria okay na yung una mong plano para sa girls pero yung sa boys? Paano kung naga-assume lang tayo? Edi nasaktan si DJ?"sabi ni Zharm kaya naman napatango ako.


"Okay na sana ang idea ni Aria, May pagka-Epic fail lang."sabi ni EJ at inirapan ko siya. Napatingin kami sa dalawa na hindi pa rin tumitigil.



"Grabe hindi ba sila hinihingal?"tanong ni Julia.



"Bakit Julia wala ka pa bang first kiss?"tanong ni Diego tapos biglang namula si Julia.



"W-wala p-pa b-bakit?"sabi ni Julia kasing pula na niya ang Cherry Tomatoes.



"Gusto mo?"sabi ni Diego at isa pa 'tong maloko!



"Che!"sabi ni Julia, Well kahit anong sigaw namin di kami maririnig lakas kaya ng Ulan.



"Uy bumitaw na sila."sabi ni Albie at lumapit kami sa kanila, Kunwari wala kaming alam na nag-kiss silang dalawa! Lol.



"Satisfied? Isang Daniel Padilla ito Kath."sabi ni DJ, Nagmamayabang na naman ang loko kong pinsan!



"Kapal ng mukha mo."sabi ni Kath at inirapan pa niya si DJ.



"Makapal mukha ko? Sure ka?"sabi ni DJ tapos nilapit na naman niya yung mukha niya kay Kath pero nilayo ni Kath.



"Bati na tayo? May Kasalanan ka pa sa akin tandaan mo iyan!"sabi ni Kath at pumasok na si Kath sa bahay nila sinundan naman siya ni DJ. Mag-asawa lang?



"Guys pasok tayo sa loob."sabi ko sabay punta doon naiwang bukas eh. Dahan-dahan naming binuksan yung pinto at bumungad sa amin ang empty Living room dahil wala sila doon. Nasaan silang dalawa?


Pumunta kami sa Kitchen at ayun nandoon nga sila.



"Kath ano ka ba naman bati na tayo please?"pagmamakaawa ni DJ.



"Ayaw ko nga saka sabi ko sa iyo naiinis ako."sabi naman ni Kath.



"Kath wag ka nang mag-selos dun ex ko lang iyon."sabi ni DJ.



"Oh anong gagawin ko kung ex mo siya? Di naman tayo Math."sabi ni Kath.



"Ayaw mo talaga?"sabi ni DJ tapos nag-Grin siya. Nilapit ni DJ yung mukha niya tapos..



"1... 2... 3..."bulong ni Diego at nagkatinginan lang ang barkada sabay..



"PEE BEE BEE TEENS?!"sigaw namin at bigla naman silang kinabahan si Kath tumalon kasi nga naka-upo siya sa Counter.



"Kayo ba may gusto sa isa't isa?"biglang lumabas sa bunganga ko! Opps wrong move!



"Kami? Big no!"sabay nilang sabi. Huli na! Nagkatinginan lang ang barkada ibig sabihin proceed kami sa Plan ko na Heart-to-Heart Talk Operation.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!