Chapter 50

23.8K 292 21

Wedding Preparations

Kathryn's POV

Nag-iisip pa kami ni DJ kung saan kami magha-honeymoon. Pinlano na rin ang Wedding entourage pero ang Bachelor's Party at Bridal shower, Hindi muna namin inasikaso dahil since si Julia ang matron of honor ko siya ang mag-aasikaso ng Bridal shower ko habang si Diego naman ang mag-aasikaso ng Bachelor's Party.

"Kathryn!"sigaw sa akin ni Lexi ng naka-pout sabay angkla sa kamay ko ng makarating ako, Lunes para sa continuation ng Brainstormming namin.

"Nakakapagtampo ka! Hindi mo sinabing ikakasal na pala kayo ni DJ."sabi niya sa akin sabay hampas sa akin ng mahina, Napatawa naman ako ng mahina habang umuupo sa tabi nila.

"Ikakasal na pala kayo ni Papa Daniel, Good for you."sabi sa akin ng leader namin sa Groupings na inirapan ako may crush siguro kay DJ ito. Napailing na lang ako habang nakangiti, Habulin talaga ang loko kaya hindi ako magtataka kung may tututol sa kasalan namin sa araw mismo ng kasal.

"Nagpropose siya sa iyo? Paano?"kinikilig na sabi ni Lexi sa akin kaya naman kinagat ko na lang ang labi ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko ie-explain na nagawa pa kong kidnapin at medyo may pagka-Epic Fail pa ang plano dahil sa kabanda niya. Sasabihin ko rin ba na ang pag-propose niya sa akin ay yung tipong hindi ka pwedeng humindi? Nah. It's just for me and for the people who witnessed his proposal, Hindi na kailangang ipagkalat ko kung paano ko siya nag-propose.

"Oo saka the normal way."sabi ko kay Lexi kahit na hindi naman normal ang pag-propose sa akin ni DJ. Pinaiyak pa ako ng loko sa mga sweet messages niya bago ako alukin ng kasal.


Inabot ni Ella sa amin ang libro saka siya ngumiti sa akin, Nginitian ko siya at nakisama na ko sa pag-brainstormming namin. Tapos na ang klase ko at inaantay ko na lang si DJ since may klase pa siya ngayon.

"Kailan ang kasal? Invited ba ako?"tanong ni Lexi sa akin ng maka-labas kami ng library after ng groupings namin. Naka-angkla siya sa braso ko habang naglalakad kami.

"Wala pa namang invitation pero sige invited ka tutal kaibigan naman kita."nakangiting sabi ko kay Lexi at ngumisi naman siya sa akin, May sasabihin sana siya sa akin kaya lang naputol siya ng dumating si DJ kasama si Julia na pinsan ko.

"Cous, Close kayo?"naghihinalang tanong ni Julia sa akin habang pinagmamasdan kami ni Lexi ng salitan. Tumango ako sa pinsan ko at napa-ahh na lang siya, Si DJ kunot lang ang noo.

"Oh na saan ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?"tanong ni Lexi sa pinsan ko. Alam na rin ng lahat na kinasal si Julia at Diego nitong sembreak. Sinong hindi makaka-alam ang dami kayang stalker ni Diego kaya ayun umiyak lahat ng may gusto sa kanya ng ma-confirm na mag-asawa na sila.

"Ewan ko sa kanya, Bwisit siya."nakabusangot na sabi ni Julia at tinignan si DJ, Nagkataka naman ako sa pinsan ko dahil normally kapag si Diego ang pinag-uusapan hindi siya maiinis. Ganyan ba kapag mag-asawa na? Minsan nagkakaroon ng sawaan? O maybe may iba pang rason kaya ganyan ang kilos ng pinsan ko?

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!