Chapter 37

26.4K 347 18

Cause it's magic when two people fall in love

Kathryn's POV

 

 

"Excuse me, Dito ba ang rehersal para sa Music Fest bukas?"singit ng isa sa apat na weirdong lalaki, Masasabi mong wierdo sila dahil sa itsura nila.

"Oo dito nga at kayo?"tanong ng instructor at napansin kong gulat na gulat si DJ ng makita sila.

"Anong ginagawa niyo dito? Akala ko nasa states kayo?"tanong ni DJ sa kanila kaya naman napakunot ang noo ko. Kilala ni DJ ang apat na wierdong ito?

"Mga barkada iyan ni Daniel, Kilala ko sila."sabi ni Quen sa akin at napatango naman ako, Kilala pala sila ni DJ at barkada pa. Siguro nung nasa states pa naka-base sina DJ.

"Kuya!" "DJ!" "Fafa DJ!" sabay na sabi ng tatlo sa apat na lalaki, Sabi sa inyo wierdo sila pero bakit ang wiwierdo ng kaibigan ni DJ? Lumapit si DJ sa apat at nagkamustahan sila.

"Teka lang bago kayo mag-reunion, Sino ba kayo mga papa?"tanong ng instructor namin na naglalaway na sa mga gwapo na nasa paligid niya kasama na doon si Quen, si DJ, Ang mga lalaki sa barkada at ang apat na lalaking ito kahit na wierdo sila may itsura naman sila.

"Ah! Kami po ang banda na tutugtog sa music fest bukas, We are.."sabi nung nakasalamin at huminga ng malalim.

"The Parking 5!"sabay na sabi nilang apat habang nakataas ang isang kamay nila na naka-five, Nakakatawa sila kahit na ang isa sa kanila ay lalamya-lamya.

"Uy pare chicks yung nasa stage."sabi nung nasa salamin habang sinisiko yung lalamya-lamya kanina.

"Kats wag mo siyang kursunadahan, Akin lang siya."sabi ni DJ dun sa lalaking chinito na nakasalamin na ang pangalan ay Kats pero nakakatuwa talaga ang pagiging possessive ni DJ.

"Kinilig ka naman diyaan?"tanong ni Quen sa akin, Nagmakeface na lang ako at hindi siya pinansin.

"Parking 5 you say? Na saan ang isa? Bakit apat lang kayo?"tanong ni Kiray sa kanila at napasipol ang isa sa kanilang apat.

"Si DJ kasi ang isa sa amin, Iyan po etong macho gwapitong patpatin na ito."sabi ng kulot na lalaki habang tinuturo si DJ, Natawa ako. Macho na patpatin pa pero anong sabi niya? Tumutugtog si DJ? Napatingin ako kay Quen na umiwas ng tingin. So alam niyang tumutugtog si DJ?


Tumingin ako kay DJ dahil hindi niya sinabi sa akin na marunong pala siyang tumugtog.

"Tumutugtog ka pala DJ?"tanong ko kay DJ at ngumisi naman siya kaya napangiti ako, Mas nakakainlove siya lalo.

"Oo miss beautiful tumutugtog siya at hindi lang siya tumutugtog, kumakanta pa!"sabi nung chinitong nakasalamin na si Kats kaya lalong lumakit ang ngiti ko kay DJ pero napasimangot si DJ sa narinig niya mula sa kaibigan niya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!