Chapter 48

22.1K 299 36

Hell Semester

Kathryn's POV

Mabilis na lumalakad ang araw, Hindi mo namamalayan na sobrang bilis ng oras. Last two months pa nagsimula ang klase namin this sem. Kung dati medyo chill pa kami ngayon hindi na kami pwedeng mag-chill kasi ngayon binuhos lahat ng requirements, projects at sunod-sunod na exam.


Kaya pala madalas na tawaging Hell Sem ng mga Graduating Seniors dati dito sa St.Loraine ang sem na  ito para sa mga graduating dahil talagang Hell ang mararanasan. Sobrang busy nga namin, Idagdag pa na hindi magkakatugma ang schedules namin. May nagkakalabuan na nga sa barkada, Sina Khalil at Aria. Madalas silang mag-away dahil sa tatlong dahilan. Una busy dahil sa mga school works, Pangalawa kulang sa time hindi na sila masyadong nag-uusap dahil hindi nagkakatugma ang schedules at Pangatlo selosan. Nagseselos si Khalil kay Katsumi at kaya sila lalong nag-aaway ni Aria kasi akala ni Aria walang trust si Khalil sa kanya.

Si Zharm at Albie nga muntikan na mabuti na lang at mabilis si Albie naagapan. Kami ni DJ? Nagkikita pa rin naman kami sa bahay so every weekends iyon ang time namin since nakatira lang naman kami sa iisang bahay. Si Diego at Julia going strong since mag-asawa na sila. Walang problema si Kiray at EJ dahil Artists sila.

"Okay, Gusto kong gumawa kayo ng presentation tungkol sa topic na ito tapos magre-report kayo sa harapan and mas maganda kung groupings."sabi ng prof namin sa strategy at kinuha ang attendance book niya.

"Group 1! Arbuleda, Bernardo, Cruz, Fernando, Fernandez, Hidalgo at Jalbuena, Doon kayo sa bandang likuran para magkaroon kayo ng discussion."sabi ng prof namin at napatingin naman ako sa mga tumayo, Kaklase ko pala si Lexi at Ella dito sa subject na ito.

"Hi Kath! Long time no see."sabi ni Lexi na agad na nag-cling sa braso ko. Tatlong babae at tatlong lalaki ang mga nasa group i mean dalawang lalaki lang pala bakla kasi yung isa, Which is yung leader ng group.

"I thought nasa US ka."sabi ni Ella sa akin at nginisian ako bago kami nagpabilog sa likuran para mag-discuss. Buong discussion namin pinaguusapan namin kung paano kami gagawa ng presentation sa topic namin kanina at dahil malapit na rin ang time namin sa subject na ito napagusapan na mag-brainstorming na lang kami bukas ng sabado.


Naka-Oo na ako na magkikita kami sa library bukas ng 10am pero nakalimutan ko na may lakad pala kami nila DJ kasama sina Mommy at tita Karla bukas ng 10am. Sabado kasi bukas at iyon nga lang ang freetime namin ni DJ para sa mga preparations sa wedding kaya ngayon balisa ako habang kumakain ng lunch. Buti na lang sabay-sabay ang break namin ng barkada pero mapapansin mong busy talaga dahil katabi ng pagkain ang mga libro, notebooks at papel sa ibabaw ng mesa.

"Anong problema mo Kath?"tanong sa akin ni DJ kaya naman napatingin ako sa kanya at umiling saka ako kumain. Hindi naman ako pwedeng hindi sumipot sa brainstorming bukas kasi hindi ako makakasali sa reporting kung wala akong na-contribute.

"Nga pala ang higpit ng prof ko sa Marketing, Talagang binusisi yung powerpoint presentation ko grabe! Ang dami niyang tinanong sa akin buti na lang at nakakalusot ako."sabi ni Zharm habang umiiling, Kumakain siya habang nagbabasa ng libro dahil sa nalalapit na mid-term. Oo nga pala malapit na ang mid-terms kaya talagang magiging sobrang busy kami.

"Ay kailan nga pala ang kasal niyo ni DJ?"tanong ni Kiray sa akin, Napahinto naman ako sa pagkain ko at nagkatinginan naman kami ni DJ.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!