Chapter 22

27.4K 329 31

Kath: Lumakas ang tibok ng puso ko

Kathryn's POV




Lulan kami ng van na pagmamayari nila Aria, Si Aria kasi ang may malaking van na pagmamayari na kasya ang buong barkada pati na rin sina kuya Neil at ate Yen kaya siya na rin ang nag-volunteer sa sasakyan namin. At dahil sa Beach Paradise ang punta namin na ilang oras ang biyahe nagdala sila ng driver.


Hindi tahimik ang loob ng Van, Nagsa-soundtrip kasi sa unahan ang mag-syotang si Aria at Khalil. Naglalabing-labing naman si kuya Neil at ate Yen sa pangalawang row ng upuan, Si EJ at Kiray? Ayun nagkikipag-kwentuhan kay na Zharm at Albie sa ikatlong row at si Julia at Diego tulog dito sa likuran. Ako? Eto nakatingin sa bintana. Hindi ko maharap ang pagmumukha ni DJ after ng nangyari kanina..

=======
=======

Katatapos ko lang maligo at nagtutuyo ako ng buhok ko ngayon ng may kumatok sa kwarto ko, Hindi pa ko nakabihis at may twalya pang nakapulupot sa katawan ko. Hindi ko na kailangan magtanong kung sino ang kumakatok dahil iisa lang naman ang kasama ko sa bahay.


Bubuksan ko sana ng maaalala ko ang itsura ko kaya inawangan ko lang ang pinto, Ganoon na lang ako nawindang ng makita ko sa labas si DJ. Naka-twalya lang siya sa pang-ibaba at topless ang unggoy, Mukhang maliligo palang siya pero shete! Anong kailangan niya?

"Anong kailangan mo?"tanong ko sa kanya at pinipilit kong wag mamula lalo na ang mapatingin sa katawan niya dahil isa iyong malaking kasalanan. Oo malaking kasalanan! Ang tumingin sa katawan niyang hindi man gaanong kataba at hindi rin patpatin, May muscels pa nga siya sa bandang abdomen niya.


Matigas kaya iyon o malambot? Sht! Sabi na isang malaking kasalanan ang tumingin sa katawan niya.

"Kath may.."at napatingin ako sa mukha niyang nakangisi habang nakatitig sa mukha ko dahil naka-awang lang ang ulo ko. Lumalakas ang paghinga ko buti na lang at hindi niya alam dahil ulo ko lang ang nakikita niya.


Ang bad side lumuluwag yung towel ko sa katawan at hindi ko iyon mahawakan dahil bukod sa nakahawak ako sa pinto, Yung isang kamay ko nasa ulo ko at pinapatuyo ang buhok ko.

"May toothpaste ka? Naubusan kasi ako."sabi niya at napahinga ako ng maluwag. Toothpaste lang pala at dahil doon nakalimutan ko ang itsura ko kaya pinagbuksan ko siya.

"Sandal-"napatigil ako at natigilan din siya. Bumagsak lang naman kasi ang towel sa katawan ko saktong pagbukas ko ng pinto kaya sa sobrang gulat ko napatili ako at siya naman ay tumakbo papasok sa kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko.


Agad kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko at pinulot ang tuwalya sa lapag. Pulang-pula ang mukha ko ng tumapat ako sa vanity mirror ko. Sht Kath! Wala na kong mukhang maihaharap sa kanya! Nakita na niya lahat as in LAHAT!

=======
=======

Ang masaklap ngayon eh katabi ko siya kaya wala akong choice kungdi ang tumingin sa bintana na wala namang magandang view dahil puro kotse at talahib mula sa malayo ang nakikita ko dito sa expressway.


Hindi ko alam ang opinyon ni DJ sa nakita niya kanina, Lahat na kasi nakita niya naiinis ako sa sarili ko kasi dapat hindi ko na lang siya pinagbuksan. Kung tatanungin niyo ko kung nakapagsipilyo ba siya? Aba malay ko sariling diskarte niya na iyon dahil wala kaming imikan dalawa simula ng lumabas kami sa bahay at sunduin kami ng van nila Aria.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!