Chapter 26

25.4K 335 20

The feeling is Mutual

Kathryn's POV

 

 

"Kath!"tawag sa akin ni DJ sa hallway, Asar ako sa kanya. Nag-walk out ako matapos niya kong pagtripan kanina sa bahay. Oo magkasama na ulit kami sa bahay, Pinagkalulo na naman ako ni Mommy sa lalaking ito.


Nung umuwi kasi ako sa bahay namin sumama si DJ at hindi raw siya aalis ng hindi ako kasama. Kinilig si Mommy kaya ayun madali niyang kinuha yung mga maleta kong hindi ko pa naaayos at ibinigay kay DJ kaya sa huli inuwi ako ni DJ sa bahay namin.. namin? Eh totoo naman ah? Bahay ko saka bahay niya edi namin, Lol.


Biglang may humawak sa braso ko kaya nilingon ko agad kung sino.

"Eto naman niloloko ka lang kanina masyado mong sineseryoso eh."sabi niya at sabay kaming naglakad sa hallway at dahil back to normal na kami kahapon na hindi naman alam ng mga tao dito sa school, Ayun pinagbulong-bulungan kami.

"Kath wag mo na kong isipin kasi nandito na naman ako sa tabi mo."makapal ang mukhang sabi ni DJ sa akin kaya tinignan ko siya ng nakataas ang kilay.

"Sinong nagsabi na iniisip kita at bakit naman kita iisipin?"tanong ko sa kanya at tumigil siya sa harapan ko.

"Sino nagsabi? Ako at bakit mo ko iisipin? Kasi gwapo ako."sabi niya at napa-pokerface ako sa sinabi niya.

"Whatever."iyon na lang ang sinabi ko sa kanya at pumasok na ko sa classroom namin. Umupo ako kung saan ang usual seat ko na katabi ko si DJ.

"Kath siopao ka ba?"tanong ni DJ sa akin ng maka-upo siya sa upuan niya, Nilingon naman kami ni Julia at Diego at si Zharm at Albie tinignan kami. Tinaasan ko ulit ng kilay si DJ dahil mang-aasar na naman ang mokong.

"Tigilan mo nga ako DJ! Nang-aasar ka na naman eh."sabi ko sa kanya at inirapan siya, Tinusok naman niya ang pisngi ko.


"Hindi ako mang-aasar."sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Eh ano yang ginagawa mo?"asar na sabi ko sa kanya at tumawa muna siya bago nagsalita.

"Basta Kath, Siopao ka ba?"tanong niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako. I gave up!

"Oh Bakit?"tanong ko sa kanya na walag kagana-gana.

"Ano mas gusto mo Bola-Bola o Asado?"tanong niya kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin dahil niloloko lang niya ata ako.

"Alam mo manahimik ka na lang diyaan, Wala kang matinong sinasabi eh."sabi ko sa kanya at inirapan ko siya.

"Kath promise seryoso 'to."sabi niya kaya naman nag-extension pa ko ng pasensya ko para sa kanya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!