Epilogue

29.2K 365 14

The start of Forever

Kathryn's POV

"DJ."tawag ko sa kanya at mas binilisan niya pa ang pagtakbo saka ako yinakap ng sobrang higpit. Yinakap ko rin siya ng sobrang higpit dahil akala ko mamatay na ako kanina, Akala ko mawawala na ako ng hindi ko man lang nakikita si DJ sa araw na ito.

"Kath, Kathryn ko."bulong niya sa akin habang patuloy na tinawag ang pangalan ko, Malalim din ang paghinga niya. Hinarap niya ako at ngumisi siya habang umiiyak, Nagulat naman ako ng makita kong umiiyak siya.

"Ju-Ju-Julia!"sigaw ni Diego at nilapitan ang pinsan kong nasa likod ko na kanina inaalalayan ako. May natawa naman ng marinig si Diego sa pagtawag ng pangalan ni Julia pero ako nakatitig lang sa nakangiting umiiyak na si DJ.


Inangat ko ang kamay ko at pinunasan ang luha niya sa mata. Hinawakan naman niya ang kamay ko at dinama niya ako. Lumapit naman sina Mommy at Daddy sa akin saka ako yinakap.

"Anong nangyari sa inyo? Dennis? Sumabog daw ang sasakyan."rinig kong sabi ni Daddy habang si Mommy humahagulgol na yakap-yakap ako. Napapikit ako sa yakap ni Mommy at hinigpitan ko ang pagpulupot ng kamay ko sa likuran ng Mommy ko.

"It's a good thing na safe kayo, Waiter tubig please?"sabi ni Tita Karla at pinaupo kaming tatlo nila Kuya Dennis. Nang dumating ang tubig pinainom nila kami at hindi binitawan ni DJ ang kamay ko.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Akala ko wala na kayo!"sabi ni Kiray at yinakap kaming dalawa ni Julia na magkatabi sa upuan. Sinabi nila sa amin na sumabog daw ang sinasakyan naming sasakyan kaya naman nagkatinginan kami ni Julia.

"Sumabog ang sinasakyan niyong dalawa, Kita ng dalawang mata namin ni Vanilla Baby! Kung hindi kayo ang nakasakay doon, Sino?!"umiiyak na sabi ni Kiray dahil siguro sa pag-aalala kaya ganyan siya.

"Hindi kami ang nakasakay doon kaya nga nandito kami sa harapan niyo di ba?"sabi ko kay Kiray at yinakap niya ulit kaming dalawa ni Julia at nakidagdag pa sina Zharm at Aria.

"Ha? Eh sino ang nakasakay doon? With the same wedding dress as you?"tanong ni EJ na hindi makapaniwala habang tinuturo ang suot kong Wedding dress kaya naman kinagat ko ang labi ko.

"It's Lexi, I don't know how pero parehas kami ng Wedding Dress. Nagising kasi kami nila kuya Dennis sa damuhan sa may Lint Drive."sabi ko at napa-stump ng foot si Zharm habang naka-cross arms.

"I knew it! Sabi na hindi talaga mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon!"sabi ni Zharm at nagulat ako ng lumapit sa amin si Louise na umiiyak. Susugurin sana ni Zharm si Louise dahil kilalang kaibigan ni Lexi si Louise, Walang lakas si Kiray na sumugod dahil nakayakap pa rin siya sa amin ni Julia hanggang ngayon.


Pinigilan naman si Zharm ni Albie at mabuti na lang at pinigilan ni Zharm ang sarili niya. Maraming bisita at naalala ko kasal nga pala namin ngayon.

"I am sorry Kathryn, Hindi ko napigilan si Lexi. I didn't know na may balak siyang ganito and yet ang kapal ng mukha kong pumunta sa kasal mo."umiiyak na sabi ni Louise at si Zharm naman irap ng irap na parang hindi naniniwala sa sinasabi ni Louise.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!