Chapter 28

25.4K 329 13

Stage 2: Special Feelings

Kathryn's POV

 

 

Hindi ako makapagsalita habang nandito ang barkada at parang gusto kong magpalamon sa lupa. Nakita kaya nila yung ki.. basta! Nakita kaya nila iyon? Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung sakaling nakita nila iyon.

"Kath ang tahimik mo."pansin sa akin ni Zharm kaya naman napatingin ako sa kanya, Playing safe ba sila o hindi talaga nila alam? Mababaliw na ko dito, Oo!

"Ha? Hehe pasensya na inaantok na kasi ako eh sige guys una muna ko sa taas enjoy kayo dito ha."sabi ko at mabilis akong umakyat sa kwarto ko.. Ng tulala. Sino kaya yung humalik kay DJ? Para kasing nandidiri ako.


Hinalikan niya si DJ tapos hinalikan ako ni DJ.. Shet! Pagpasok ko sa kwarto ko sobra kong nilamig, Wala namang multo dito pero yung aircon ko ata ang may kasalanan. Ang ginawa ko pinatay ko dahil nilamig talaga ako, Humiga ako sa kama ko kaya lang nakaramdam ako ng gutom.


Bumangon ako kaya lang nakaramdam ako ng hilo pero nanaiig pa rin ang tiyan ko kesa sa ulo ko, Nagugutom talaga ako. Bumaba ako at nadatnan ko pa ang barkada na nagkwe-kwentuhan, Ni hindi nila ko napansin kaya tuloy-tuloy ako sa kusina.


Tinignan ko ang fridge at walang kalaman-laman kungdi Orange juice at tubig. Napatingin ako sa mesa at nakita ko ang basket ng prutas, Ah pinadala nga pala ito ni Tita Karla kahapon kaya ang ginawa ko kumuha ako ng bowl at kumuha ng strawberries na nasa basket. Pinili ko pa yung talagang mapupula para hinog na hinog kasi masarap kapag sobrang pula.

"Uy Kath gising ka pala? Akala namin natulog ka saka ano yang kinakain mo?"tanong ni Aria sa akin na pumasok sa kusina kasama ang mga girls. Pinakita ko naman sa kanila ang kinakain kong strawberry.

"Strawberry na sobrang tamis, Tikman niyo."sabi ko tapos kumuha sila sa basket alangan naman sa bowl ko bastusan naman kasi iyon saka marami sa basket.


"Talaga?"manghang sabi naman ni Kiray sabay kuha ng strawberry siya na lang kasi ang hindi nakakakuha sa kanila. Wala pang ilang segundo simula ng kagatin nila at nguyain ang strawberry na kinakain nila.

"Pwe!" "Ulk.." "Cough! Cough!" "Ang ashim." sabay sabay nilang apat na sabi habang ako todo enjoy sa matamis na strawberry na nasa bowl ko.

"Anong maasim?"tanong ko sa kanila na matawa-tawa dahil sa mga maaasim nilang mukha matapos kainin ang strawberries. Nakaramdam na naman ako ng ginaw at hilo pero kain pa rin ako ng strawberries na nasa bowl ko kaya lang biglang umikot ang tiyan ko kaya feeling ko nasusuka ako.

"Uhk." tapos tumakbo na ko sa sink, Doon ako sumuka dahil ang sakit talaga ng ulo ko. Napa-upo na lang ako sa sahig at sumandal sa drawers. Dumating naman ang barkada at tinitigan ako.

"Cous." "Kath." tawag nila sa akin kaya naman napatingin ako sa kanila at nanghihina ako.

"Ano?"tanong ko sa kanila ng walang gana at pumikit ako sa sobrang hilo at sakit ng ulo ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!