Chapter 34

28.3K 323 15

Daniel: I love you Kath

Kathryn's POV





Napakunot ang noo ko ng makita ko ang galit na galit niyang mukha. Anong problema niya at nanghahatak na lang siya basta-basta? Pinilit kong kumawala sa pagkakasandal niya sa akin pero sorry mission impossible dahil nakalimutan kong malakas pala siya.

"Ano ba DJ?! Ano bang problema mo?"inis na tanong ko sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

"Kung wala kang sasabihin pwede ba? Bitawan mo ko, Layuan mo ko."sabi ko sa kanya at lalo niyang diniin ang sarili niya sa akin.

"Mahal mo na ulit si Enrique? Bumalik ba yung nararamdaman mo sa kanya? Kayo na ba?"sunod-sunod na tanong niya kahit na salubong ang kilay niya at halatang galit siya, Kitang-kita ko sa mata niya na nasasaktan siya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"kunot noong sabi ko sa kanya dahil gago siya sa mga pinagsasabi niya.

"Quen. Quen. Quen! Puro pangalan niya ang naririnig kong lumalabas sa bibig mo at hindi na nakakatuwa Kath!"inis na sabi niya sa akin kaya naman sumama ang loob ko sa sinabi niya.

"Anong gusto mong sabihin ko? Pangalan mo? Eh gago ka pala DJ!"sigaw ko sa kanya at lalo ata siyang nagalit sa sinabi ko.

"Puro ka na lang Danna! Danna! Danna! Simula nung dumating ulit si Danna parang nakalimutan mo kong gago ka! Parang nakalimutan niyo ko!"dagdag ko pang sigaw kay DJ.

"Si Danna ba ang kinapuputok mo Kath? Tinanong kita nung dumating siya di ba? Tinanong kita kung si Danna ba pero anong ginawa mo? Iniwan mo ko tapos sinabi mo yun.."sabi niya at hindi ko alam kung nanlalambot ba siya.

"Alin yung hindi tayo? Eh hindi naman kasi talaga tayo DJ!"naiinis kong sabi sa kanya.

"Sinabi ko sa iyo na akin ka.. akin ka lang kaya nga binigyan kita ng promise ring di ba? Pero anong ginawa mo? Bakit hindi mo suot?"tanong niya sa akin habang nakatitig sa mata ko napalunok ako ng laway ko.

"Dahil ba bumalik yung feelings mo kay Enrique? Mahal mo na ulit siya?"tanong niya at umiling ako. Hindi, DJ. Ikaw pa rin.

"Kung ganoon bakit Kath? Bakit?"tanong niya sa akin at may tumulong luha sa mata niya, Nanghina ako sa ginawa niya.

"Tinanggal ko.."paninimula ko, Feeling ko may malaking bukol sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong magsalita.

"Tinanggal ko kasi akala ko mahal mo ulit si Danna, Siyempre hindi pa kayo naghihiwalay. Kayo pa rin hanggang ngayon at iyon ang totoo, Yung promise ring mo? Akala ko wala ng silbi."sabi ko sa kanya at naiyak na rin ako habang nakatingin sa kanya na umiiyak dahil sa akin. Umiiyak siya dahil sa akin, Sht! Umiiyak si DJ.

"Kath mahal na mahal kita kaya bakit mo naisip na wala ng silbi iyon?"tanong niya sa akin at napa-iwas ako ng tingin, Napalunok ako ng laway ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!