Side Stort of Jessy and Enrique

22.5K 303 22

Enrique's POV

"Kasalanan mo kung bakit hindi ako ang kumakanta ngayon sa stage."sabi ko kay Jessy habang naglalandian este kumakanta ng sweet sa stage si Daniel at Kath. Ewan ko ba sa dalawang iyan ang rinig ko Mutual Understanding ang relationship nila pero parang sila na. Masyadong showbiz.

"Eh sino ba kasi ang humigit sa akin sa Ice cream parlor kahapon?"sabi ni Jessy sa akin at inirapan ako.

"Ikaw kaya nag-suggest na doon kita ilibre, Sa Bookstore kaya kita hinigit."sabi ko sa kanya. Oo siya ang emergency ko kahapon dahil nakita ko siyang papasok sa loob ng Theater kaya agad ko siyang hinigit palabas dahil siguradong may gagawin siyang kabalastugan.

=======
=======


Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa matapos kong asarin si Daniel na ngayon sigurado akong selos na selos. Agad na nawala ang tawa ko ng makita ko si Jessy na malapit na sa stage kaya agad akong tumakbo pababa at hinigit siya.

 

"Ano ba?"asar na sabi niya sa akin habang masama ang tingin. Ayan na naman ang mapupula niyang labi at ang dress niyang mapula, Tinalo pa si Maria Mercedes.

 

"Anong ginagawa mo dito Mendiola?"tanong ko sa kanya habang hinigit ko siya palabas ng Theater.

 

"Edi ano pa, Kukunin ang dapat sa akin."sabi niya kaya natawa ako, Nababaliw na talaga ang bestfriend ko. Kailangan na siyang dalhin sa sweden para magamot at pakasalan ang dapat niyang pakasalan.

 

"Anong tinatawa mo diyaan?"tanong niya sa akin at binitawan ko siya ng makalabas kami sa Theater.

 

"Kasi nababaliw ka na, Bumalik ka na sa Sweden at sundin ang utos ng magulang mo na pakasalan yung pinapakasal nila sa iyo."sabi ko sa kanya at nagcross arms naman siya. Tumaas din ang kaliwang kilay niya.

 

"Bakit hindi ikaw yung magpasakal doon sa lalaking iyon?"pagtataray niya sa akin at natawa na lang ako sa nakakatawa niyang pinagsasabi.

 

"Bakit ko siya pakakasalan? Lalaki ako."sabi ko kay Jessy at umiwas siya ng tingin dahil napahiya sa sinabi ko.

 

"Eh ayoko nga kasing magpakasal doon sa lalaking iyon! Saka bakit mo ba ko pinipilit? Kilala mo na ba yung mokong na sasakalin ko este pakakasalan ko?"tanong niya sa akin. Hindi ko kilala, Narinig ko lang na pinag-uusapan ng Tita ko at ni mama. Umiling ako sa kanya.

 

"Hindi ko siya kilala bakit ikaw kilala mo na?"tanong ko sa kanya at binatukan niya ko.

 

"Tanga ka ba? Tatanungin ba kita kung kilala ko siya?"sabi niya at inirapan ulit ako, Natawa na lang ako at inakbayan ko siya saka ako naglakad. Nakita ko kasi siyang papasok ulit siya sa loob ng Theater kaya eto hinigit ko na sa pamamagitan ng pag-akbay para tangay na tangay siya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!