Chapter 5

34.6K 448 44

Concerned?

Kathryn's POV

 

Humikab muna ako bago ako umunat, Ang ganda ng gising ko dahil ang ganda ng panaginip ko tungkol daw sa Cheesecake kaso ang masaklap lang kinain daw ng Unggoy.. Tsk! Tumingin ako sa side table ko, Anong oras na ba? OH SHOOT! 8am na!


Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili ko bago ako bumaba para magluto ng breakfast namin nung Unggoy na iyon. Kahit naman inis at galit ako sa animal na iyon eh kailangan maging mabait ako, Animal Abuse kaya ang maging malupit sa isang hayop.

Madali akong bumaba matapos kong ayusin ang sarili ko at gawin ang daily rituals ko. Ang bango nung amoy na iyon, Galing sa kusina.. Sino ang nagluluto? Tumakbo ako sa kitchen at nanlaki ang mata ko ng makita ko mula sa Kitchen Counter ang lalaking nagluluto sa kitchen.

Pumikit ako at dumilat muli dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi ako namamalikmata dahil totoo ang nakikita ko. Ang unggoy! Nakasuot ng..


Pfft..


"Hahahahahahaha"hindi ko na napigilan ang pagtawa ko, Siguro sobrang lakas na ng tawa ko to the point na ume-echo sa buong kabahayan ang tawa ko. Sino ba naman kasi ang hindi tatawa? Yung lalaking nakabunggo ko kahapon na astig ang porma eh ngayon? Ang laughtrip lang! Paano naka-apron ng Dora and Boots habang nag-luluto ng pancake.

"Gising ka na pala, Akala ko patay ka na dahil kahit anong tawag ko sa iyo hindi ka gumugising."Psh! Nang-asar pa pero mas mang-aasar ako leche minsan lang 'to kaya lulubusin ko na.

"Pero ang astig noh? Parang kahapon lang at ang astig mo pero tignan mo ngayon! Bag pack, Bag pack, Bag pack~"kanta ko sa kanya at sinamaan niya ko ng tingin tawa lang ako ng tawa dito sa gilid.

"Stop it Kathryn."matigas na sabi niya pero di ako nagpatinag. Sorry siya hindi ako hihinto, Masaya ako sa pang-aasar sa kanya dahil asar na asar ako kahapon. Aasarin kita hangang sa mapuno ka at mag-walk out palabas ng bahay na ito ng makauwi na ko sa amin.

"C'mon bamanos everybody let's go, Come on let's get do it i know that we can do it! Sino si Boots? Si DJ! Sino si Boots? Si DJ!"kanta ko habang tumatawa at nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin kaya napa-atras ako pero leche napasandal lang ako sa Kitchen Counter. Walang kawala, Damn i am trap!

"Sige kumanta ka pa, Hahalikan kita ngayon din."sabi niya kaya naman kinagat ko ang labi ko para manahimik. Nag-smirk naman siya at bumalik sa harapan ng induction stove, Nagpipigil lang ako ng tawa at sa pag-kanta dahil hindi niya pa rin hinuhubad yung apron na may Dora and Boots. Pwede naman kasi siyang magluto kahit wala ang mga iyon.


Ako nga nagluluto kahit walang apron dahil malinis naman akong magluto, Para sa mga maduduming tao ang pagsusuot ng Apron. That's my Opinion kahit na ang totoo alam ko namang pang Formal kitchen suit ang Apron. Lumapit na lang ako kay DJ at sa stove.

"Ako na tutuloy niyaan ako dapat gumagawa niyan eh kaso naunahan mo na ko."Sabi ko sa kanya at napatigil siya sa ginagawa niya. Pinatay niya ang stove at nilapag ang hawak niyang pan sa induction stove bago ako tignan.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!