Same Love at House

115K 647 35

Prologue


"Kailangan niyong magsama sa iisang bahay."

Iyan! Iyan ang eksaktong linya na sinabi ni mommy na nagpabago sa buhay ko. Hindi naman kami Engage, Hindi rin kami inlove sa isa't-isa pero isa lang ang masasabi ko..



AKO NA ANG MALAS! AS IN PINAKAMALAS!

Ikaw ba naman makasama mo yung PINAKAIINISAN mong tao sa balat ng lupa sa iisang bahay take note IISANG BAHAY eh hindi ka kaya mawindang?!



Pinalayas kaming dalawa sa sariling bahay namin at hindi kami pwedeng umalis dahil bahay DAW namin iyon.. sinong nagsabi? Ang magaling naming PARENTS.. palakpakan!

Akala mo kung sinong MABAIT (sa harap ng parents namin, Wala na kong halos ma-say.. Grabe!)

GWAPO (Di siya Gwapo may itsura lang siya, Oo may itsura lang! Itsurang Unggoy)

PERPEKTO? (Iyan ang tingin sa kanya ng Fans at mga babae niya! Isa lang ang masasabi ko.. Walang perpekto sa mundo kaya kung perpekto man siya isa siyang ALIEN! UNGGOY NA ALIEN!)

Eh sa totoo lang eh isa siyang Bwisit sa buhay ko. Oo Bwisit siya parati niya kong kinukunsumi saka Part time Playboy! Daming lintang babaeng nakapaligid pero Oy! Di ako nagseselos. Sabi ng di ako nag-seselos isa pa sasapakin ko kayo!



HEARTROB daw siya saan BANDA? Di ko makita at saka itaga niyo sa bato! Hinding-Hindi as IN Hinding-Hindi ako magkakagusto sa kanya itaga niyo pa sa kissable lips nung Unggoy na iyon.. Kalimutan niyo yung Lips part -_-

Kaso kinain ko ang sinabi ko halos mabulunan pa nga ako eh kasi..

Totoo ata ang kasabihan na The More you Hate, The More you Love.

_________________________________

The 34 sec trailer is at the multimedia guys, Enjoy.

~Cynthia

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!