Chapter 9

25.9K 369 24

The Chronicles of Habbit

"Kath ayos ka lang?"tanong ni DJ sa akin kaso di ko siya nasagot kasi occupied yung utak ko, Nahalikan ko yung labi niya este aksidente niya kong hinalikan i mean aksidenteng nagtama ang labi namin dahil parehas kaming nalaglag. Magsasalita na sana ako sa kanya ng biglang may nagsalita.

"Anong ginagawa nyo?"Sabay na sabi ng Barkada kaya naman napatingin ako sa kanila at doon ko lang na-realize kung gaano ka-awkward ang position naming dalawa. Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko umakyat sa mukha ko kasi talagang alam kong namumula ako.

"Bakit ganoon yung position nyo kanina?"Tanong ni Aria sa amin hindi ako makasagot, Hindi pa ko nakakarecover sa first kiss may ganoong posisyon pa!

"Paper towel lang ang hiningi namin ng barkada tapos nakaganyan na kayo."Sabi ni Zharm sa amin kaya naman lalo kong namula dahil sa iniisip nila.

"Kayo ahh porket magkasama sa iisang bahay ganyan na kayo."Pang-aasar ni Diego.

"Okay guys mag-eexplain ako."Sabay naming sabi ni DJ.

"Doon tayo sa Living Room uso upuan di ba?"Singit ni EJ kaya napagpasyhan namin na pumunta sa Living Room. Nakatingin lang sa amin ni DJ ang Barkada.

"Now, Explain!"sabay na sabi ng Barkada.

"Maikli lang naman eh."Sabi ni DJ at tinignan niya ang lahat bago ako.

"Ganito kasi iyon sino nanonood ng Princess and I?"Tanong ko.

"AKO!!"Sabay-sabay na sabi ni Julia,Zharm,Aria at Kiray na kinikilig.

"Alam nyo ba yung mga nahuhulog na babae tapos nasasapo nang guy tapos ayun in a AWKWARD position."Paliwanag ko ayoko lang banggitin yung Chuchu, Naiinis ako.

"Eh kung nasapo ka ni DJ ano yung Kiss?"Sabi ni Khalil kaya biglang nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa sinabi niya.

"KISS?!"Sabay-sabay na sabi ng Barkada except kay Khalil at Aria.

"Yup KISS."Sabi ni Aria na diniinan talaga yung word na KISS kaya gusto kong mag-facepalm.

 

"Grabe kayo may Kwarto naman bakit sa kusina pa."Asar ni Albie.

"Okay accidental KISS lang iyon."Sabi ni DJ sabay ngiti nang nakakaloko.

"Cous nakuha na ang First Kiss mo!"kinikilig na sabi ni Julia. Namula na talaga ako ng todo!

"FIRST KISS?!"Sabay na sabi nang Barkada except kay Julia at DJ pero ang nakakapagtaka para silang choir kaylangan sabay-sabay!

"Oo" "Second na iyon." Sabay naming sabi ni DJ, Agad ko siyang tinignan ng sinabi ng second iyon. Second?! Kailan? Wala akong maaalala! Aba Kailan pa nagkaroon ng Second? Ano yun hinalikan ako ni Unggoy ng tulog? O di kaya inaantok pa siya?


"SECOND?"Sabay naming sabi nang Barkada except kay DJ.. Yung totoo sasabihin-ko-uulitin-niyo ang peg namin?

"Kailan yung First?"Tanong ni Zharm kaya agad naman akong nag-panic! Oo nga kailan yung first!

"Oo nga kailan yung first? Kahit ako hindi ko rin alam eh nabanaliw ka na ba? First Kiss ko iyon saka baka hinalikan mo ko ng tulog!"sabi ko sabay takip sa upper body ko. Napabuntong hininga lang si DJ.

"Remember noong nasapak ako dahil sa iyo noong nakaraang linggo sa Gilid ng LABI ko tapos ginamot mo tapos mong gamutin eh HINALIKANMO."Sabi ni DJ pero ang pinagtataka ko lang eh BAKIT DI KO SIYA PINIGILAN?!

"ANO?"Sabay na sabi nang Barkada. Pwede na silang sumali sa chorale, Lagi silang sabay.

"HABBIT ko lang iyon tanong mo pa si Julia ganoon din ginawa ko sa dulo nang daliri niya noong 2nd year at sa tuhod niya nung 4th year."Sabi ko at itinuro ko pa ang pinsan ko.

"Habbit?"Tanong ni Kiray at alam kong hindi niya alam iyon.

"Haha DJ napaghahalataan ka ah pero tama si DJ cous that was second kiss eh nasa labi yung kiss nya eh."Sabi ni Julia kaya naman namula na talaga ako ng todo-todo to the point na gusto ko ng magpalamon sa lupa.

"Julia naman eh HABBIT ko lang iyon!"Palusot ko pero biglang sumingit yung unggoy aka Master Boots!

"Habbit o pinagnanasaan mo Lips ko?"Pang-aasar ni DJ.

"Pero DJ totoo iyon tuwing may nagkakasugat kasi sa amin dati after gamutin ni Kath hinahalikan niya yung sugat para mabilis gumaling. Ganoon yung ginawa niya sa akin nung 2nd year kami nasa Economics subject kami kasi nadaplisan ng kutsilyo yung dulo nang daliri ko at nung 4th year kami sa tuhod ko dahil nadapa ako sa track and field. Ginamot niya at hinalikan niya pa ganoon din kasi ang ginagawa ni Tita Min."Sabi ni Julia kaya mahal na mahal ko siya!

I LOVE YOU JULIA! The best ka talaga laging maasa-

"Pero that doesn't leave the fact na first kiss mo iyon so naka dalawang halik ka na kay DJ at TAKE NOTE di pa KAYO paano kaya kung KAYO na!"Pahabol ng pinsan ko kaya I HATE YOU NA JULIA! Binabawi ko na ang sinabi ko sa iyo.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!