Chapter 25

25.3K 327 19

Kathryn: DJ you're free now

Kathryn's POV

 

 

Napapikit ako dahil sa tubig na tumama sa mukha ko. Pinunasan ko ang mukha ko at alam kong basang-basa na ang damit ko mabuti na lang at hindi nabasa ang bag ko kung hindi patay na. Hindi ko na lang sila pinansin at maglalakad na sana ako papuntang Registrar Office ng hatakin nila ang braso ko.


"Kinakausap ka namin."taas ang kilay na sabi ng babaeng hawak ang braso ko.

"I am sorry but i have to go, I am too busy."sabi ko at inalis ko ang kamay niya sa braso ko kaya lang diniinan niya ang kuko niya kaya naman nasasaktan na ko.

"Pwede ba? Wag nga kayong pahara-hara sa daan."sabi ng isang babae na kilala ko at dinaanan kami. Sinamaan niya ng tingin yung babae at inalis niya ang kamay niya sa braso kong namumula.

"E-Ella!"takot na sabi ng babae, Yeah Ella Cruz. Sikat pala siya, Kinindatan niya ko bago siya umalis ako naman pumasok sa loob ng registrar office at binigay ang letter ko. Hindi excuse letter kungdi letter para sa pagtransfer sa ibang University.



"Miss Bernardo, We will process this as soon as possible."nakangiting sabi sa akin ng babae sa registrar.

"Pwede po bang ngayon na? Mamaya na po kasi ng ang flight ko papuntang US."sabi ko sa babae at tumango naman siya sa akin.

"I suggest that once we process this, Isesend na lang namin sa iyo through mail."sabi niya kaya naman pumayag na ko. Pagkalabas ko ng registrar office nakasalubong ko si Albie.

"Albie."tawag ko kay Albie at napatingin naman siya sa akin, Ngumiti ako at kinuha ko sa bag ko ang CD.

"Uh.. Para sa inyo, Salamat sa memories. Goodbye."nakangiti kong sabi habang inaabot sa kanya ang CD, Tinignan niya ko na para bang ang weird ko at kinuha sa kamay ko ang CD. Umalis na ko ng may ngiti sa labi ko.


Payapa akong aalis ng bansa, Ito ang alok sa akin ni Daddy noon ang mag-aral sa US at i-handle ang business namin doon na hinahandle ng Tito ko. Yung CD? Nandoon ang gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko masasabi ngayon dahil ngayon na ang alis ko.

"Kath, Tara na."sabi ni Ate Yen at sumakay na ko sa kotse, Silang dalawa ni Kuya Neil ang maghahatid sa akin dahil nagtatampo sa akin si Mommy dahil hiniling ko sa kanya na i-cancel ang engagement namin ni DJ. Ayokong matali sa isang lalaki na ayaw naman sa akin. Si Daddy? Nasa US si Daddy dahil may business siyang inaasikaso doon kaya si Kuya Neil ang inutusan niya na maghatid sa akin sa Airport.


By the time makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko kay DJ kasi alam kong malalim na itong special feelings na ito. Napatawad ko na rin sila sa panghuhusga nila sa akin, All i want is to start a new life in US.

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Julia's POV

 

Nakasandal ako kay Diego at hanggang ngayon pinag-iisipan kong mabuti ang sinabi ni Kuya Neil sa akin. Dalawang araw akong nagtampo kay Kath dahil sa sinabi niya, Gusto ko siyang kausapin kaya lang yung Pride ko.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!