Chapter 47

23.6K 279 11

The Wedding

Kathryn's POV

Masaya kaming sumakay ng kotse ni Julia. Since siya ang Matron of Honor ko sa kasal namin ni DJ nag-request akong sabay kaming dalawa sa sasakyan papunta ng Venue kung saan kami ikakasal ni DJ.

"Thanks for coming, Cous. Akala ko talaga hindi kayo makakarating ni Diego kahapon."sabi ko kay Julia at yinakap naman niya ako habang nasa sasakyan kaming dalawa.

"Siyempre nagpromise ako sa iyo di ba? I love you Cous. Sa wakas ikakasal ka na rin kay DJ."sabi niya sa akin kaya parehas kaming napaiyak. Nagkalas kami ng yakap at tumawa siya sa akin.

"Sayang ang make up wag na tayong umiyak, This is a very Happy day we suppose to be happy and smile not to cry."sabi sa akin ni Julia at pinunasan niya ang luha ko ng tissue bago niya punasan ang kanya. Waterproof naman ang make up namin kaya lang kapag kasi retouch ng retouch kakapal yung make up baka magmukha akong espasol mamaya.

Nagtawanan kaming dalawa habang nakasandal sa isa't-isa. Simula pagkabata namin kaming dalawa na ang magkasama kaya masaya ako kasi hindi nagbago yung pagsasama namin mula noon hanggang ngayon. Kahit na may asawa na siya magkasama pa rin kaming dalawa sa huling oras ko bilang single dahil ikakasal na rin ako sa wakas kay DJ.

Napasalubsob kami ni Julia ng biglang huminto ang sasakyan na minamaneho ni Kuya Dennis na driver na namin noon pa.

"Kuya may problema po ba?"tanong ko kay Kuya Dennis at nilingon niya kami ni Julia nagulat ako ng hindi si Kuya Dennis ang nagmamaneho.

"Surprise."sabi niya at may mga lalaking humila sa amin palabas ng sasakyan.

"Bitawan niyo kami!"sigaw ko at biglang lumabas ng sasakyan ang dalawang babaeng malabo ang mga mukha.

"Walanghiya kayong dalawa!"sigaw ni Julia sa dalawang babae kaya naman napakunot ang noo ko at pilit na makita kung sino ang dalawang babae na may kaparehas ng damit sa akin.

"Ano 'to?"tanong ko sa babaeng kapareha ko ng damit.

 

"Obvious ba? Wedding gift mo ay hindi pala Wedding gift kung hindi Advance Rest in Peace."sabi niya at nagulat ako ng duraan siya sa mukha ng pinsan ko.

"Walanghiya ka! Napakasama mong tao mabubulok ka sa impyerno!"sigaw ni Julia sa kanya at nagulat ako ng pinalo ng mga lalaking naka-itim si Julia at sinuntok sa tiyan.

"Julia!"sigaw ko sa pinsan ko at nakita ko ang paghalakhak ng isang babae sa katabi ng kapareha ko ng damit.

"Enjoy you're sleep at male-late pa kami sa kasal mo i mean sa kasal ko pala, Best wishes to me."sabi niya at nanlaki ang mata ko ng sumakay siya sa kotse. Hinabol namin ni Julia ang sasakyan kahit na nagdudugo ang pinsan ko sa hindi malaman na kadahilanan.

Hindi ko na alam kung paano kami napunta sa harapan ng simbahan ni Julia habang pinapanood ko ang kasal ni DJ at ng isang babae na sobrang labo ng mukha pero parehas kami ng damit.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!