Chapter 20

25.6K 275 4

Julia: He told me he doesn't care

Julia's POV




"Ganito kasi iyon.."paninimula ko at tinignan ko sila bago ako magkwento.

=======
=======


(4th year highschool
(Rehersal sa Graduation))

 

"Cous di ko na kayang pigilan ang sarili ko mahal na mahal ko na si Quen ano sa tingin mo umamin kaya ako sa kanya sa graduation?"sabi ni Cous sa akin ng minsan dumaan si Quen sa amin at kinawayan kami. Patay! Aamin si cous? Baka..

 

"Cous i think that's a bad idea, A very bad idea."sabi ko, Hindi pwede! Hindi naman sa may gusto ako kay Quen pero i don't think my cousin deserves him!

 

"Bakit naman Cous?"usisa niya sa akin, My cousin is so naive! Hindi niya ba alam ang usap-usapan tungkol sa panliligaw ni Quen? Anong gagawin ko? Paano ko ba sasabihin sa kanya ang mga nalalaman ko?

 

"Kasi.. Ano Kath.. Uhm.."hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

 

"Ano?"tanong niya sa akin at napa-iwas naman ako ng tingin, I am good at lying but not to my cousin.

 

"Eh kasi di ba parang ang panget naman tignan kung ikaw ang mag-coconfess?"palusot ko sa kanya at napakagat ako ng labi ko. Please cous don't! I am begging you!



"Hay naku cous, Gusto ko ng umamin sa nararamdaman ko sa kanya. Ika nga nila, It's now or never."sabi niya sa akin, It's now or never? Oo nga Cous kung masasaktan ka it's now or never kaya mas gugustuhin kong kimkimin mo na lang iyang nararamdaman mo kesa naman masaktan ka ngayon. Ayoko lang masaktan ka i am just protecting you!

Bakit pa kasi sa lahat ng lalaki eh doon ko pa na-inlove sa isang tao na hindi deserving.. Sa lalaking walang kwenta at walang pake sa nararamdaman ng iba.

 

 

Dumating ang araw ng graduation, Kitang-kita ko sa mukha ng pinsan ko na excited siya at masayang-masaya. Halata ring ninenerbyos siya dahil sa lintek na pag-ibig na iyan na kapag tinamaan ka sapul na sapul ka talaga.


Kupido matanong lang kita, Ilang arrow ba ang pinana mo sa pinsan ko at ganoon niya kamahal si Quen na isang walang kwentang lalaki? Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Kath na nag-speech dahil siya ang Validictorian ng batch namin, Makikita mo ang saya dahil sa may inspirasyon niya na siguro hindi matatapos ang araw na ito mawawarak ang inspirasyon na iyon.


After ng Graduation Ceremony, Missing in Action ang pinsan ko.

 

"Julia nakita mo ba si Chandria?"tanong ni Tita Min. Saan na kaya yung babaeng iyon?

 

"Teka lang tita hahanapin ko lang po."sabi ko kay Tita at hinanap ko sila, Luckily natagpuan ko sila sa Garden ng school namin. Lalapit na sana ako kaya lang nakayuko ang pinsan ko at halatang nahihiya kay Quen.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!