Chapter 23

23.5K 294 17

Vacation Spoiler

Kathryn's POV

 

 

Bianca Casado, Ang babaeng kausap niya sa phone nung nakaraang araw. Iyon yung babaeng sumingit sa usapan namin ni DJ at hinatak siya. Kung tatanungin niyo ko kamusta ang celebration? Well ang saya-saya Grabe! Magpapa-party pa ako ulit dahil sa sobrang pag-sasaya.. Nila! Samantalang ako? Eto loner at kinabog ko pa ang emo sa kalagayan ko ngayon.

Mula sa glass window ng Cafe na tinatambayan ko ngayon na nasa gilid lang ng beach ayun! Tanaw na tanaw ko sila na enjoy na enjoy sa mga pinaggagawa nila samantalang ako nanonood lang dito sa tabi-tabi.

Nakakabadtrip lang dahil hindi man lang nila ko napapansin dito, Tuwang-tuwa pa silang lahat. Samantalang ako eto natutuwa.. Natutuwang patayin sila sa isip ko dahil iniwanan nila ako sa ere.

Tatayo na sana dala-dala ang machiatto ko ng biglang may umupo sa harapan ko, Pagtingin ko yung pinsan ni DJ na si Elle kaya nagulat ako at hindi nakatayo agad.

"I thought you're my cousin's girl, Bagay kasi kayo."pagkasabi niya nun muntik ko ng mabuga yung machiatto sa bibig ko.

"Sorry hindi kami."sabi ko at pilit na inaalis ang pagkairita ko, Badtrip kasi ako pero i am trying to be nice. Iinumin ko na lang ng isang lagukan ang malamig kong kape saka ako aalis sa harapan niya. In the future if there's a chance doon na lang ako magso-sorry dahil sa pagiging rude ko.

"Sorry kung nagkamali ako, Para kasi kayong matching stick ng pinsan ko hindi tulad ng kasama niyang babae akala ko nakakita ako ng number ten."pagkasabi niya nun nabuga ko talaga yung kape sa bibig ko dahil natawa ako sa sinabi niya. Kamusta yung kape i mean si Elle? Ayun naligo sa kape, Tumama sa kanya.

Agad kong kinuha yung tissue sa gilid at pinunasan ang bibig ko, Nanlaki pa ang mata ko habang pinagmamasdan siya.

"Sht! Sorry! Hindi ko sinasadya natawa kasi ako sa sinabi mong number ten."sabi ko sa kanya at kumuha ako ng isa pang tissue para i-abot sa kanya at tumawa lang siya.

"No it's okay, Nakakatawa naman kasi talaga yung sinabi ko i will wash first. Nice talking to you?"sabi niya sa akin at nilahad niya ang kamay niya, Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala.

"Kathryn, Kathryn Bernardo."pagkasabi ko nun ay nginitian niya ko.

"Nice meeting you Miss Kathryn Bernardo, See you around."nakangiti niyang sabi at umalis, Kahit papaano nawala ang badtrip ko. Tatayo na sana ako ng makita ko sina Zharm, Aria, Kiray, Julia at ate Yen na pumasok dito sa cafe.

"Anong nangyare sa mga mukha niyo at hindi maipinta?"tanong ko sa kanila kahit na nagtatampo ako dahil sa ginawa nila sa akin.

"NAKAKAINIS KASI YUNG BIANCA NA IYON EH SABI NAMIN MAG-BABANANA BOAT KAMI PERO SABI WALL CLIMBING NA LANG DAW!"sabay-sabay na reklamo nila sa akin.



"Chill di ako si Bianca, Pwedeng magsalita ng maayos."sabi ko sa kanila at sumandal ako sa inuupuan ko habang nakatingin sa kanila at nag-cross arms.

"Eh kasi naman Kath! Nakakainis!"inis na sabi ni Zharm sa akin at hinawakan ang noo niya.

"Asar ako sa babaeng iyon, Flirt!"sabi naman ni Cous at umirap pa, Napatingin naman ako at parang ngang nilalandi niya si Diego. Napailing na lang ako dito.

"She's ugh!"hindi ma-explain ni Kiray ang inis niya kaya napahampas na lang siya ng table.

"Panira siya ng enjoyment natin."sabi ni Aria at nag-cross arms din, Napangisi naman ako at tumawa sa sinabi ni Aria. Napatingin sila sa akin ng nagtataka ang mga mukha, Sorry pero naiinis kasi ako.

"Aria Correction, ENJOYMENT NIYO. Ang galing no? Enjoyment natin? Oo nga eh Enjoy na Enjoy kayo tapos ako eto Enjoy na Enjoy kasama itong Machiatto na kakaubos ko lang. Galing noh?"sabi ko sa kanila with a hint of sarcasm. Kayo kaya ang iwan sa ere tapos kapag nagkaproblema sa iyo tatakbo? Tsk!

"Nga pala Kath Sorry about that."sabi nila, Napa-role eyes na lang ako at tumayo ako mula doon. Nagtatampo ako sa kanila.

Hindi naman masamang magtampo di ba? Hindi man lang nila ako inalok at lapitan dito na, "Kath sali ka sa amin, Wag kang magpaka-Loner diyaan! Tara!" kaso wala NgaNga! Nakalimutan ata nila na may kasama silang Kathryn Bernardo.

Umupo ako sa swimming pool at nilulob ang paa ko sabay sway. Medyo nag-eenjoy ako sa paglublob ng paa ko ng may tumawag mula sa likuran ko kaya lumingon ako and there! Ang girls.



"Kath."sabay na sabi nila sa pangalan ko.

"Alam kong Kath ang pangalan ko."sabi ko sa kanila na may hint ng pagtatampo.

"Kath sorry na, Alam mo naman Boys."sabi ni Julia, Yeah i understand them naman kaso mano man lang na kahit wala akong partner tinawag nila ako di ba?



"Oo nga eh busy kayo masyado sa boys at nag-eenjoy nakalimutan niyong kasama ako tapos nag-aantay akong alukin niyo kong makisali sa inyo kaso wala eh, Walang nag-insist. Hindi naman ako makalapit kasi baka sabihin niyo ako naman ang panira."sabi ko at tumingin sa tubig at inisway ko yung paa ko ng padabog. Imbes na mag-relax ako eh ito nakakapag-RELAX nga ang pagiging LONER.

"Kath sorry na patawarin mo na kami kahit ano gagawin namin promise, Nawala lang talaga sa isip namin kasi naman eh nakakakilig si Albie."sabi ni Zharm tapos yinakap nila ako. Nawala ang pagkainis ko sa kanila agad.

"Ahck! Teka bitaw na! Bitaw na! Di ako makahinga! Oo na bati na tayo."sabi ko sa kanila at nagtawanan naman kami. Nagkwentuhan at nagtawanan kami, Bumalik na rin kami Cafe.

Dumating yung Boys kasama si Bianca yung ibang girls namumula hindi sa kilig kung di sa selos kulang na lang Umusok na sila sa sobrang selos.


Umupo sa tabi ko ang loko.

"Hi Kath."sabi ni DJ at binigyan ko na lang siya ng pekeng ngiti na alam talagang peke. Hindi na ko aasa sa lalaking ito kahit na may nararamdaman ako sa kanyang special feelings, Akmang aakbayan niya ko ng sinamaan ko siya ng tingin at tumikhim naman siya.

"Uhm Kathryn let's talk."sabi ni Bianca at tumayo, Nagulat ako kasi siya gusto akong makausap? Para saan? Sinundan ko na lang wala naman kasi sigurong masama, Hindi ko naman siya inaaway.

Medyo malayo kami sa Cafe at nasa mga nagba-volleyball kami huminto, Napansin ko pa si Elle na nanonood sa gilid namin.

"May sasabihin ako tungkol sa Barkada mo."sabi niya at bigla na lang ako nakaramdam ng kaba.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!