Chapter 44

22.6K 293 16

Daniel: Sobrang namiss kita.

Kathryn's POV

Hindi ko natapos ang internship ko sa Padilla Incorporation dahil nag-request si DJ na i-transfer talaga ako sa kompanya namin. Wala raw kasi akong matutunang Office works kung sa Special Affairs lang kaya kahit na ayaw ko at ayaw ni tita Karla siya ang nasunod. Kaya eto! Kaharap ko ang PC sa kompanya namin at gumagawa ng presentation para sa meeting bukas.


Medyo naaasar nga ako eh, Bakit? Yung tungkol kasi sa pwedeng mapatalsik si DJ sa kompanya nila actually gawa-gawa lang iyon ni Zharm. Tawa nga ng tawa si DJ ng marinig niya iyon nung ikuwento ko sa kanya. Nasabi rin sa akin ni DJ na kaya niya sinasabing delikado dahil natatakot siyang mapaano ako sa loob ng Special Affairs, Marami raw kasing manyak doon.


Pero wala namang ng manyak sa akin saka puro utos lang ang natanggap ko. Sinabi pa niya na natatakot siya kasi maraming sakim, mga utak talangka na manghahatak paibaba, mga maninira para pabagsakin yung kinaiinggitan nila at yung mga manyak nga raw talaga tulad nung matandang lalaki na akala ko nakatingin sa ledger iyon pala nakatingin sa hinaharap ko!


Sinamaan ako ng tingin? No hindi! Singkit kasi yung mata tapos tinitipuhan ako. Napangiwi ako nung narinig ko kay DJ iyon, Famous daw kasi sa pangmamanyak yung Director na iyon sa mga secretary niya kaya ayun ginawan nila ng paraan. Ginawa nilang lalaki yung secretary para hindi mang-harass.

Yung sinabi naman ni Joseph Marco na Team Manager ko noon sa Special Affairs, Yung tinutukoy niyang makakalabas pa ba sila ng buhay ng General Manager he really mean it. It means they're fired as in walang trabaho!

"Kath."tawag sa akin ni DJ na pumasok sa Office na pansamantala kong gagamitin habang nandito pa ako. Hindi ko siya tinignan dahil busy ako sa pag-gawa ng presentation bukas at sumasakit na ang likod at batok ko.

"Uy Kath naman eh."tawag ni DJ pero hindi ko talaga siya pinapansin, Hindi naman ako galit sa kanya kaya lang may ginagawa ako. Sa sobrang busy ko at sa pag-focus ko sa ginagawa ko hindi ko namalayan na pumunta si DJ sa likod ko at ginigilid ang mga buhok ko. Hindi ko naman siya pinapansin dahil akala ko pinaglalaruan niya lang yung buhok ko pero nagulat ako ng halikan niya yung batok ko, Doon na niya nakuha ang atensyon ko.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay at kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano umangat ang labi niya para mang-asar.

"Hindi ba obvious? I am getting your attention and i am successful to get it. Now umalis na tayo dahil maaga ka pa bukas, Iuwi mo sa bahay lahat ng trabahong gagawin mo."sabi ni DJ at napailing na lang ako bago ko ayusin ang gamit ko. Kinopya ko sa USB ang ginagawa kong presentation at nilagay sa bag ko ang mga gamit ko, Dinala naman ni DJ ang mga gamit ko dahil boyfriend duties daw.

Paguwi namin sa bahay kumain muna kami bago ko gawin yung mga trabaho ko sa kwarto ko. Hindi ko nga alam kung ano na ginagawa ni DJ dahil nakaharap lang siya sa akin at kinakalikot ang phone niya.

"Kath pwede ba? Pansinin mo naman ako dito."rinig kong sabi ni DJ pero sorry siya, Kailangan kong matapos ito dahil ipre-present ko na ito bukas. Nagulat ako ng tumabi siya sa akin at inagaw ang laptop ko na nasa binti ko.

"DJ ano ba?! Hindi ako nakikipagalaro sa iyo."sabi ko kay DJ at ngumisi naman siya.

Same Love at House [Completed]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!