"Ano may napili na kayo?"tanong sa amin ni Mommy at nagkatinginan kami ni DJ, Kung may napili siya. Nilapag niya sa coffee table ang hawak niyang sample ng invitation at bumulong sa akin.

"Ikaw na lang mamili."bulong niya sabay halik sa tenga ko kaya napalayo ako ng konti. Ikaw kaya halikan sa tenga hindi ka kaya makiliti? Sinamaan ko siya ng tingin na ngayon pangisi-ngisi lang.

"Eto na lang Mommy, Maganda."sabi ko kay Mommy habang hawak ko yung invitation sample na gusto ko. Maganda yung invitation, White ang nasa labas at may candle seal. May ribbon ding light blue na naka-pulupot sa envelope at yung sa loob naman may card na nakalagay at black ang color. Yung writings naman gold kaya ito na lang ang pinili ko tutal ako na lang daw ang mamili sabi ni DJ.

"Sabi sa iyo eto pipiliin eh."sabi ni Tita Karla kay Mommy, Nakangiti namang inilingan ako ni Mommy habang nakatingin sa amin ni DJ na magkatabi.

"Nga pala mamaya pag-usapan natin yung mga guest sa kasal niyo para sakto yung print ng invitations."sabi pa ni Tita Karla at nag-usap pa sila ni Mommy sa preparations ng kasal. Nangungulit naman ang banda ni DJ sa aming dalawa habang tahimik na nanonood ng Gossip Girl si Magui at si Lelay naman nilalaro ang Ipad niya.

"Fafa DJ sige na please? Isama mo ko sa honeymoon."pangungulit ni Katsumi kaya naman pinandidilatan na siya ni DJ ng mata habang ako eto naka-upo lang at pinagmamasdan sila.

"Oo nga fafa DJ! Kami sponsor ng lingeries ni Kath."sabi ni Lester na dahilan para mapalingon sa amin si Magui. Mapatingin sa amin si Mommy at Tita Karla pati na rin ang paghinto ni Lelay sa paglalaro niya.

"Anong sabi mo?"medyo may inis sa tono ng boses ni DJ ng sinabi niya iyon kay Lester. Napa-nganga naman si Lester sa sinabi niya parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang lahat ng sinabi niya.

"Err.. Ehem! Sabi ko enjoy kayo ni Kath."sabi ni Lester at pulang-pula ang mukha niya ngayon. Pinagbabatukan naman siya nina JC at Seth. Si Katsumi naman tinatawanan si Lester habang dinuduro, Bakit ba sila naging kaibigan ni DJ?

"Umalis na nga tayo baka mamaya mapatay pa ni DJ si Lester."sabi ni Seth at hinatak sa tenga si Lester habang papalabas sila. Tawa naman ng tawa si Katsumi na parang hindi mauubusan ng hininga.

"Pucha Katsumi! Huwag kang tumawa para kang nagpapa-ulan ng laway eh!"singhal sa kanya ni Lester pero hanggang ngayon tawa ng tawa si Katsumi hanggang sa maubo siya sa kakatawa. Napailing na lang ako at tinitigan si DJ.

"Nagtataka lang ako kung paano mo sila naging kaibigan?"sabi ko kay DJ at nagkibit balikat naman siya bago ako akbayan habang ako naman humilig sa kanya. Hinalikan niya pa ang tuktok ng ulo ko kaya napangiti ako sa sweetness na binibigay niya sa akin, DJ is the one. The only one i could gave my life.

=======
=======


Na-plano na ang honeymoon, Napagdesisyunan naming sa Singapore na lang para malapit ang suggest nga ni DJ sa itaas na lang daw para hindi sayang sa pera kaya ayun binatukan ko. Sabi ni Mommy at Tita Karla sa Europe pero Singapore ang magiging destinasyon namin.

"Kath!"sutsot sa akin ni Diego na ngayon ay naka-uwang sa labas ng Lecture Hall kung saan ako nage-exam para sa Finals. Tinext ko kasi siya kanina na magkita kami pagkatapos ng exam namin ngayong araw. Pinaplano na kasi ang Bachelor's Party ni DJ since gusto kong magpaka-KJ at huwag silang bigyan ng strippers may sinuggest sa akin ang pinsan kong si Julia kaya eto kokonchabahin ko si Diego.


Ayos na kasi ang bridal's shower ko at napag-usapan naming walang Macho Dancers. Formal bridal shower ang magaganap, Hindi naman kasi ako wild girl lalo na't lumaki ako sa pamilyang Conservative kaya lang nitong last year pinagkanulo na nila ako kay DJ.

Kinuha ko ang gamit ko at tumayo palabas, Naabutan ko ang pinsan ko pati na rin ang asawa niya na naghihintay sa labas ng klase ko. Agad naman akong sinimangutan ng pinsan ko, Anong problema nito? Nung nakaraan pa siya ah?

"Ang tagal mo!"inis niyang sabi sa akin saka ako inirapan, Napakunot naman ang noo kong tumingin kay Diego.

"Anong problema niya?"tanong ko kay Diego at napakamot naman ng ulong bumulong sa akin.

"Buntis."bulong niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko't nagsalit ng tingin sa kanilang dalawa. B-Buntis si Julia?

"Ilang buwan na?"tanong ko kay Diego at siniko naman niya ako. Tinignan naman kami ng pinsan ko ng masama, Moody. Ganyan din kaya ako kapag nagbuntis? Ano kayang pwede kong gawin kay DJ?

"Ayaw niyang pinaguusapan, Ewan ko sa kanya ang Moody niya grabe."hirap na hirap si Diegong bumulong sa akin kaya naman natawa na lang ako at huminga ng malalim.

"Ganito na lang nasabi na naman sa iyo ni Julia na KJ ako at ayaw kong sulitin ni DJ ang pagiging single niya di ba?"sabi ko kay Diego at tumango siya sa akin habang nakatingin kay Julia na ngayon may kinakain na.

"Oo nabanggit sa akin ni Jules kagabi kaya ngayon ang gusto mong mangyari? I-cancel ko yung agency na magpapadala ng strippers?"sabi ni Diego at napakagat ako ng labi saka ko siya sinagot.

"Oo, I-cancel mo."utos ko kay Diego at akala ko kaming tatlo lang ang nandito na nag-uusap kung hindi lang sumingit si Albie kasama si Zharm! Lintek lang.. Sira ang pagiging KJ ko.

"Ha? Eh anong gusto mong gawin namin sa party? Tumunganga?"sabi ni Albie kaya ayun nabatukan siya ni Zharm. Ayan kasi may balak pang tumingin sa strippers, Makamundong pagnanasa!

"Gawin niyo kahit ano basta wala lang strippers."sabi ko sa kanila ng tinapik ni Zharm ang balikat ko.

"Bakit hindi na lang ikaw ang sumayaw kay DJ sa party? Tutal kinabukasan ikakasal na kayo."sabi ni Zharm kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ako sasayaw? Tsk! Oo magaling akong sumayaw pero anong sasayawin ko sa harap ni DJ? Macarena? Dougie? Gentleman? Tss..

"Oo nga ikaw na lang ang sumayaw para kay DJ tutal maarte ka at ayaw mo ng strippers."sabi ni Diego kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako papayag na maging Stripper sa Bachelor's Party ni DJ, Ano ako tanga? Neknek nila!

Same Love at House [Completed]Where stories live. Discover now