"Nga pala paki-sabi diyaan sa bestfriend mo na wag siyang magpapakita sa akin, Uuwi na ko."sabi ng pinsan ko at nakipag-beso sa akin bago siya umalis. Nagkatinginan kami ni DJ at nag-shrug siya sa akin.

"Sige Lexi, Mauna na kami ni DJ. Ingat ka sa pag-uwi mo."sabi ko kay Lexi at hinapit ni DJ ang bewang ko kaya pinalo ko. PDA under the school rules itong ginagawa niya mamaya ma-detention pa kami.

"Oo, Ikaw rin ingat ka."sabi ni Lexi sa akin at kumaway pa siya sa amin ni DJ bago kami umalis sa harapan niya.

"Close na agad kayo?"tanong ni DJ sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya, Pati siya nagtataka pero hindi ko naman siya masisisi dahil medyo desperada sa kanya si Lexi.

"Oo okay kami wala naman kasing issue sa aming dalawa, Kayong dalawa lang ang may issue."sabi ko kay DJ at inakbayan niya ako habang naglalakad kami sa Parking Lot ng University.

"Hindi ko na naman inaalala yung issue since tapos na iyon, Nga pala pinapapunta tayo ni mama sa bahay namin. Ipapakita niya yung samples ng invitations para sa kasal."sabi ni DJ sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Pumasok naman ako saka siya umikot para pumasok sa sasakyan niya.

"Edi makakapunta na ako sa bahay niyo for the first time?"tanong ko kay DJ at tumango naman siya sabay hawak sa kamay ko habang nagmamaneho. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila DJ pero siya nakapunta na siya sa bahay namin kaya eto maghahalungkat ako ng baby pictures ni DJ para ipang-asar lang tutal madalas naman niya akong asarin.

"Oo makikita mo sa mga pader ng bahay namin kung saan ako lumaki."sabi niya sa akin at ngumiti naman akong hinawakan din ang kamay niya. Magkahawak kami ng kamay habang papunta sa bahay nila, Kinakabahan ako dahil first time kong tatapak sa kanila.


I wonder kung nakaramdam din ba siya ng kaba noong pumunta kami sa bahay namin noon pero hindi pa naman kami nung time na iyon kaya sure akong makapal ang mukha niya. Napatawa na lang ako sa mga pinag-iisip ko kaya lang nagmukha naman akong baliw kay DJ kaya tumigil agad ako sa pagtawa.

Nang makarating kami sa kanila pinagbuksan kami ng gate ng katulong nila at nag-park siya sa garage nila. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinalubong kami ni Magui at Lelay kasama si Tita Karla, Nandoon din si JC pati na rin ang kabanda ni DJ. Gusto kong mag-facepalm dahil nandito na naman ang apat na makukulit na ito lalo na si Lester at Katsumi, Napailing na lang ako at pumasok kami sa bahay nila.

"Kath feel at home."nakangiting sabi sa akin ni Tita Karla at umupo kami sa sofa, Lumabas naman si Mommy mula sa kusina mukhang nagluluto sila.

"Oh nandito na pala kayo."sabi ni Mommy ng makita kami ni DJ na nakaupo sa sofa, Lumapit sila sa amin at may inabot na mga samples ng invitation sa harapan namin.

"Pumili na lang kayo ng gusto niyang klase ng invitation diyaan tapos ilista natin yung mga guest sa kasal na pagbibigyan niyo ng invitation."sabi ni Tita Karla habang may tinitignan sa magazine kinuha ko naman yung isa sa envelopes na nakalagay sa coffee table at tinignan. Ganoon din ang ginawa ni DJ, Kumuha siya ng isa at tinignan.

Same Love at House [Completed]Where stories live. Discover now