Chapter 1

363 7 0
                                    

Nasa kanyang opisina si Yurie. Nakaupo siya sa swivel chair. Sa ibabaw ng lamesa nakapatong ang nakabukas niyang laptop. Sa tabi nito, sa may kaliwa, may tasa na naglalaman ng mainit na tsaa. Sa kanan naman ang cellphone na naka-konekta sa bluetooth device. Nakasalpak ang device sa kaliwa niyang tenga. Kausap niya sa kabilang linya si Director Hopper ng ILETA. May pinapahawakan sa kanyang kaso na kung saan isang taon nang hindi nalulutasan dahil magaling ang kriminal na itago ang pagkatao nito. Tila nilalaro rin nito ang mga awtoridad.

"Sa CHO ko na ito ipapaubaya dahil iyon ang kagustuhan ng pamilya ng mga biktima," wika ni Direktor Hopper sa kabilang linya.

Dahil sa isang taon nang walang nangyayari sa imbestigasyon, nakiusap ang pamilya ng halos lahat ng biktima ng pagpatay sa gobyerno ng U.S.A na ipahawak na lang ang kaso sa CHO sapagkat alam nila na madali lang itong malulutas ni E at malaki ang tiwala nila sa ahensya. Naging saksi kasi ang ilan kaanak sa kagalingan ng CHO sa paglutas ng mahihirap na kaso. Sinabi naman sa isang close door meeting sa pagitan ng mga kaanak at ng ILETA na hindi sila nangangako na matutulungan sila ng CHO. Hindi rin sila sigurado kung tatanggapin ng ahensya ang kaso at pinaalalahanan nila ang mga ito na hindi basta-basta tumatanggap si E. Nakiusap ang mga kaanak na hikayatin si E na tanggapin ang kaso sapagkat nais nilang mabigyan ng hustisya ang mga biktima na brutal na pinatay. Muli, inulit ng ILETA na hindi sila sigurado doon. Hindi rin nila kayang pilitin si E na tanggapin ang kaso dahil takot silang mapagalitan nito.

"Ipapaubaya? Bakit pumayag na ba ako?" salita ni Yurie.

Napakagat labi si Director Hopper at napabuntong hininga dahil mag-uumpisa na ang kanyang kalbaryo sa pagkumbinsi kay Yurie na tanggapin ang kaso. Alam niya rin kasi sa kanyang sarili na mahihirapan siya dito. Pagdating sa mga kaso mas mahirap itong pakiusapan at mas nakakatakot din kausap kesa kay Emerald. "Hindi pa."

"Tapos na ang usapan. Bye, Director Hopper." Tinanggal niya ang bluetooth device na nasa tenga niya. Kinuha niya ang tasa. Humigop siya ng tsaa. Napatingin siya sa cellphone na tumutunog. Napabuntong hininga siya sapagkat ang tumatawag ay si Director Hopper. Nilapag niya ang tasa sa lamesa. Kinuha niya ang cellphone atsaka niya ito binato. Tumama ito sa pder kay nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng cellphone. "Ayoko ng may istorbo kapag umiinom ako ng mainit na tsaa." Muli niyang kinuha ang tasa atsaka humigop. Sa kanyang paghigop ng mainit na tsaa nakaramdam si Yurie ng kaginhawahan. Narelax ang kanyang katawan sa maraming trabaho na ginawa niya sa Equilibrium.

Dahil sa hindi na makontak ni Director Hopper si Yurie, wala na siyang iba pang pagpipilian kung di ang tawagan si Emerald upang sabihin na kausapin si Yurie na tanggapin ang kaso ng pagpatay. Sinabi ni Emerald na susubukan niyang kausapin ito.

Lumabas siya ng kanyang opisina dala ang cellphone. Nang makarating sa opisina ni Yurie, nagulat ang mga emplayado nito. Tumigil sila sa kanilang ginagawa at biglang napatayo sa pagdating ng kanilang CEO. Nagbow silang lahat dito. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng main office ni Yurie, napatigil siya nang tawagin siya ng assistant ni Yurie.

"Milady," tawag niya. Nakatayo siya ng di kalayuan kay Emerald. May hawak siyang mga dokyumento.

Nilingon ni Emerald ang assistant ni Yurie. "Si Yurie?"

"Kasalukuyan pong umiinom ng tsaa si President."

Tinignan niya ulit ang pintuan ni Yurie. "I see." Tumalikod siya dito. "I'll go ahead." Hindi na siya tumuloy dahil kapag umiinom ito ng tsaa, kape o mainit na tsokolate o kaya naman ay kumakain ayaw na may istorbo.

"May importante po ba kayong sasabihin?"

Umiling si Emerald. Naglakad siya palabas ng opisina. Gamit ang dala niyang cellphone, tinawagan niya si Director Hopper. Kinausap niya ito habang naglalakad pabalik ng kanyang opisina. Sinabi niya dito na hindi niya kayang kumbinsihin si Yurie. Binilin din niya na huwag na huwag na sasabihin sa dalaga na tinawagan siya ng ILETA para kumbinsihin ito na pumayag na tanggapin ang kaso. Kapag kasi nalaman ni Yurie na tinawagan siya ng ILETA o kahit na anong ahensya na konektado sa CHO, magagalit ito. Ayaw kasi ng dalaga na magkaroon pa siya ng koneksyon sa mga ito. Nangako naman si Director Hopper. Takot din niya kay Yurie na magalit ito sa kanya.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now