Chapter 4: "Hunting"

922 19 0
                                    

Ang Russia ang tinaguriang fastest criminal organization sa buong mundo at sikat dito ang tinatawag na Red Mafia kung saan ang mga boss at miyembro ay mga criminal millionaire at nagbebenta ng mga armas, drugs at gumagawa ng mga illegal activities.

Nasa Moscow, Russia si Blaize dahil sa lugar na iyon sikat ang Nimrod Gang bilang buyer ng mataas na kalibre ng baril at isa sa mga maimpluwesyang gang sa bansa. Nagtungo siya sa Criminal Underground Society kung saan nandoon ang iba't ibang grupo ng Mafia na nagbebenta ng mga armas at drugs upang magtanong at makakalap ng impormasyon tungkol sa grupo. Humarap siya sa mga ito nang nakamaskara at ang kanyang pangalan Triste. Miyembro ng Colère de Dieu na kilala sa Russia na konektado sa CHO, ILETA at SIE kaya kinatatakutan ito.

Maangas na pumasok si Blaize sa isang bahay ng mafia. Sa kanyang pagpasok nagsitinginan sa kanya ang mga nasa loob. Isang tingin na may kasamang katanungan sa isipan kung ano ang kailangan ni Blaize sa kanila. Naupo si Blaize kahit hindi pa siya pinapaupo ng pinuno ng mga ito tapos tinaas niya ang kanyang mga paa sa center table.

(Bold = Russian)


"Anong kailangan mo?" tanong ng pinuno ng mafia.


"Gusto kong malaman kung bumili ba sa inyo ang Nimrod Gang ng bagong armas."


"Sandali lang."


Walang alinlangan na tinignan ng pinuno ng mafia ang kanilang records kung bumili ba ang Nimrod Gang sa kanila ng mga armas. Ilang minuto ang lumipas, nahanap nito ang record. Bumili sa kanila ang mga ito noong isang linggo lamang at ang mga binili ay handguns, rifles, Granada at ilang explosive devices.


"Pwede mo bang ibigay sa akin ang address nila?"


"Siyempre naman. Pwedeng pwede." Binigay niya ang address ng nito.


Sa mga ganitong senaryo, kapag nagtanong sa kanila ang kahit na sinong miyembro ng Colère de Dieu ay agad nilang sinasagot dahil takot silang mahuli ng awtoridad at marunong silang makipagsabwatan sa mga ito.

Nang makuha ang address, agad na bumiyahe si Blaize patungo sa Sapronovo sa Moscow. Nagbaon na rin siya ng kanyang pagkain sapagkat malayo at matagal ang biyahe patungo doon. Para na rin malibang ay nagpapatugtog siya ng musika mula sa kanyang mp3 player. Tinawagan din niya si Alexandrite upang ipagbigay alam na alam na niya kung nasaan ang Nimrod Gang. Pinaalalahanan siya ng dalaga na mag-ingat dahil mag-isa lang siya sa mission.

Nakarating na sa Sapronovo si Blaize, binagalan niya ang takbo ng kanyang sasakyan. Tinignan niya ang kanyang kaliwa at kanan upang tignan ang bawat address ng bahay. Ilan minuto ang nakalipas nakita na niya ang kanyang hinahanap na bahay. Pinarada niya ang kotse sa di kalayuan.


"It's showtime," saad ni Blaize.


Kinuha niya ang handgun at tatlong tear gas; nagsuot ng maskara kung saan ang ibabang bahagi lang ng mukha ang natatakpan; at bullet proof para sa sariling kaligtasan. Nang handa na siya, bumaba siya ng kotse. Naka low ready position siya kung saan ang baril ay nakababa. Dahan dahan siyang lumapit sa bahay. Naupo at nagtago siya sa may bakuran tapos sumilip ng bahagya. Nagkaroon ng pagtataka sa kanyang isip dahil walang tao sa bahay. Muli niyang tinignan ang hawak atsaka tumingin sa address ng bahay na pinuntahan niya. Pareho at tama naman. Binukasan niya ang gate ng dahan dahan at nang may pag-iingat. Sinigurado niya na hindi ito lilikha ng anumang tunog. Nang matagumpay na mabuksan ang gate pumasok siya sa bakuran. Nang makita niya na clear ang paligid nag-weaver position siya sa tapat ng pintuan ng bahay handa na sana niyang sipain nang may biglang tumalon mula sa bubong kaya tinutok niya agad dito.

Our Teenage Boss by IamLycheحيث تعيش القصص. اكتشف الآن