Chapter 29: "Resentment"

702 10 0
                                    

"Milady, nakita ko po ito..." Pinakita ni Maria ang hawak niyang cellphone. "...habang nililinis ko ang kotse na ginamit mo kahapon."


Napabalikwas ng upo si Emerald sa couch tapos kinuha niya kay Maria ang cellphone. Tinignan niya kung may tawag mula kay Flint. Nang laki ang mga mata niya ng makita niya kung ilan missed call ang nakalista.


"Nineteen missed calls? Patay."


Agad niyang tinawagan ang binata upang humingi ng tawad at magpaliwanag na rin bakit hindi niya nasasagot ang mga tawag. Nakaka-limang dial na siya, wala pa rin sumasagot.


"Galit si babo sa akin?" malungkot niyang tanong sa kanyang sarili.


"Hindi naman siguro milady," salita ni Maria.


"Really?"


Nakangiting tumango si Maria.


"Bakit hindi niya sinasagot tawag ko?"


"Baka may ginagawa lang."


Malungkot na tinignan ni Emerald ang kanyang cellphone na kung saan ang wallpaper ay ang naka-wacky na mukha ni Flint. Tumunog ang cellphone ni Maria, sinagot niya ang tawag mula kay Amanda. Sinabi ng kanyang ate na nais niyang makausap si Emerald.

"Milady, gusto kang makausap ni Amanda."


Kinuha ni Emerald ang cellphone ni Maria.


"Yes, Amanda?"


["Young lady, I told you stop calling me like that. Call me mommy Amanda or mommy Mandy."]


"Mommy Mandy."


["Very good. How are you? Nabalitaan ko kay Cassie ang nangyari sa iyo d'yan. Sobrang lungkot mo raw. Gusto mo bang mag-share ngayon para gumaan pakiramdam mo?"]


"No need. Okay na ako. Okay na kami ni babo. Magaan na rin pakiramdam ko kasi naikwento na niya ang tunay na nangyari sa bar. Nailabas ko na rin sa kanya bigat na naramdaman ko."


[Napangiti si Amanda. "Napansin ko simula nang maging okay kayo ni Flint at naging sobrang malapit sa isa't-isa, hindi ka na masyadong nakakapag-share sa akin ng saloobin mo."]


"Kapag hindi maganda pakiramdam ko o parang may bigat sa dibdib ko sa kanya ko na shineshare. Kapag sinasabi ko iyon sa kanya, sobrang gumagaan ang pakiramdam ko. Feeling ko nga siya ang comfort zone ko."


["Happy to hear that. Mabuti yan, bukod sa akin, kay Maria at kay Yurie may isa ka pang tao na pinaglalabasan ng saloobin mo. Magaan sa pakiramdam na maglabas ka ng saloobin sa taong pinakamamahal mo, tama ba?"]


"Oui. Sobra."


["Okay...Tungkol naman sa pag-stay mo d'yan nasabi sa akin iyon ni Yurie. Ako na ang kumausap kay Uncle Johnny (President McAngelus) Pumayag siya na d'yan mo na lang hawakan ang kaso ng Nimrod Gang. Kung may kailangan ka. Sabihin mo na lang daw sa SIE at ILETA."]

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now