Chapter 6: "Permissions"

625 7 0
                                    

Sa West District ng Frontera Metropoli sa isang bungalow, meron mahigit sa pitong miyembro ng Nimrod Gang ang naroroon kabilang ang isa sa nakakataas sa kanila. Kinakausap nito ang kanyang mga tauhan na hawak niya tungkol kay Illyas Hassan na magbibigay sa kanila ng malaking halaga ng salapi at bukod doon ay may ibibgay din itong mga armas na kailangan ng grupo. Tinipon niya ang mga ito sa living room.


"Makikipagkita sa atin si Illyas Hassan pagkatapos ng tatlong araw. Ngayon, kapag kakatagpuin na natin siya kailangan natin mag-ingat dahil kung papalpak tayo dito malaki ang mawawala sa atin. Naiintindhan niyo ba?" saad ng lalaki na nakatakip ang bibig habang nakasuot ng shades upang hindi makilala. Nakasuot din siya ng cap.


"Opo, boss!" wika ng mga ito.


"Walang lugar ang kamalian. Kung sino ang magkamali kahit na katiting alam niyo na ang kahihinatnatan niyo?"


"Opo, boss!"


"Mabuti. Daeman at Lillian."


Lumapit sa kanya ang isang lalaki na may kulay gintong buhok na may kahalong itim at isang babae na diretso ang buhok. Ito ay lampas sa balikat.


"May mahalaga pa akong pupuntahan. Kayo na ang bahala sa kanila."


"Opo," sabay na sagot ng dalawa."


Nakarating na sa residence si Flint at lady Georgina. Sa pagpasok pa lang nila sa living room sinalubong si lady Georgina ng yakap ni Alexandrite. Sabik ang dalaga sa lola dahil matagal din silang hindi nagkita nito. Masaya naman ang lola dahil muli niyang nakita ang napakapilya at makulit na apo. Napansin ni Alexandrite bukod kay Flint wala na itong kasama.


"Nasaan si Eujuan?" tanong ni Alexandrite.


"Kasama ni Emerald at Charles," tugon ni lady Georgina. "Apo, magpapalit lang ako."


Tumango si Alexandrite. Nang makaakyat na sa taas ang lola atsaka naman siya nakaramdam ng kaunting inis sa bata dahil tulad noong nasa France pa lang sila gustong gusto nito na kasama si Emerald at Charles. "Ikaw Flintstone, nagkita na ba kayo ni unnie?"


Tumango si Flint. "Nagkita kami sa LGC."


Naupo si Alexandrite sa couch at muling pinagpatuloy ang panonood ng anime movie. Tumabi naman sa kanya si Flint. Gustong yayain ng binata si Alexandrite na mag-usap sila pero kinakabahan siya. Hindi rin niya alam kung paano sasabihin sa dalaga ang kanyang balak dahil alam niya sa kanyang sarili kung gaano kahalaga dito si Emerald. Iniisip niya rin na baka mabigo siya dito.


Naalala naman ni Alexandrite ang sinabi sa kanya ni Flint. "Sabi mo nga pala sa akin na may sasabihin ka. Ano iyon?"


Humawak si Flint sa kanyang dibdib. "Kinakabahan pa ako kaya tapusin mo muna yan pinapanood mo."


"Kinakabahan? Ang kapal ng mukha mo kinakabahan ka? Tungkol saan ba kasi yan bakit ka kinakabahan?"

Our Teenage Boss by IamLycheМесто, где живут истории. Откройте их для себя