Chapter 8: "Crazy Couple's Dramaland"

592 7 0
                                    

Hindi maganda ang naging umaga ni Tres dahil bumungad agad sa kanya ang balita na nahuli si Illyas ng mga awtoridad. Dahil sa sobrang inis at nararamdaman na matinding galit, nagwala siya. Tinaob niya ang lamesa, sinipa ang sofa. Binato niya ang mga silya na ang iba ay tumama sa cabinet. Natakot ang ilan mga kasama niya sa bahay. Nais nila itong pakalmahin ngunit natatakot sila na baka maibuntong ang lahat ng galit nito sa kanila at mamatay sila ng wala sa oras. Sa sobrang galit at inis niya rin, tinawagan niya si Punisher upang ipaalam dito ang nangyari.


"PUNYETA!" pangbungad niya kay Punisher. "Punisher, alam mo ba nangyari kay Illyas!?!" galit niyang tanong dito.


["Nabalitaan ko na ang tungkol d'yan."]


"Puta lang talaga. Hindi mo ba talaga natunugan yan?"


["Hindi. Tahimik ang ILETA at SIE tungkol sa grupo at sa mga konektado sa atin. Pakiramdam ko rin na CHO na ang humahawak ng lahat. At kapag sila nga ang may hawak malabo na talaga na makakuha ako ng tip."]


Napailing sa inis si Tres. "Putang inang CHO yan! Ang laki ng nawala sa atin milyon-milyon at nasayang ang mga armas na ibibigay niya sa atin. Alam mo ba na kapag nalaman ito ng ibang grupo na sumosoporta sa atin maaaring hindi na nila tayo suportahan? Punyeta, malaki ang mawawala sa atin at hihina na tayo ng tuluyan."


["Alam ko ang tungkol d'yan kaya nga kailangan na makuha na natin ang Eun's code para kahit walang sumoporta sa atin na ibang grupo kayang kaya na natin tumayo sa sarili nating paa at para mahawakan na natin ang ibang grupo sa leeg."]


"Pero kailangan natin ng malaking halaga ngayon."


["Ikaw na bahalang dumiskarte kung ano ang gagawin."]


Binaba ni Tres ang telepono. Tinawag niya ang dalawa niyang alalay na si Daemon at Lilian. Inutusan niya ang dalawa na tipunin ang ilan miyembro nila upang sabihin sa mga ito ang ilan iligal na aktibidad na gagawin ng grupo sa Frontera Metropoli. Kailangan nila makakuha ng malaking pera upang makabili ng mga bagong armas at pondo na rin laban kay Emerald at E.

5:00 pa lang gising na si Emerald. Nakaligo at nakapag-ayos na ng sarili. Maaga siyang nagising dahil ito ang araw kung kailan siya babalik sa LGC bilang CEO. Pagkababa niya agad niyang hinanap si Alexandrite dahil kailangan na gising na rin ito sapagkat ngayon na nila gagawin ang kanilang plano. Nagtungo siya sa kusina. Nagbabakasakali siya na naroroon ang kapatid tinutulungan si Maria pero wala rin ito dito.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now