Chapter 5

240 3 0
                                    

Tumawag ang kanyang assistant, sinabi nito kay Yurie na nais kumausap sa kanya. Dahil sa sobrang abala niya inutos niya na papasukin kahit hindi alam kung sino. Sa pagpasok ng lalaki sa opisina, bumungad sa kanya ang abalang si Yurie. Sa ibabaw ng table ang daming nakapatong na paperworks, nakabukas ang laptop at may hawak itong fountain pen para sa pangpirma o kaya naman pangtama sa mga maling mababasa nito. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng dalag. Hindi naman siya nabigo. Tumigil ito sa ginagawa at napangiti nang makita siya. Medyo nagulat din siya dahil hinfi niya inaasahan na darating ito.

"Lucas," wika ni Yurie.

Lumapit si Lucas kay Yurie. Bineso niya ito. Pinaupo siya sa visitor chair. Nakapwesto ito sa kanan harapan ng lamesa. "Grabe. Sobrang abala mo."

"Kailan ka pa nandito?"

"Noong saturday lang. Kahapon pala nagpunta ako sa inyo. Sakto nandoon si uncle Aldrich. Tinanong kita sa kanya. Alam mo ba ano ang sagot? Sino si Yurie? Wala akong kilalang Yurie. Ano nangyari? Bakit hindi na kilala ni uncle ang paborito niyang anak?"

Napakamot ng ulo si Yurie habang may ngiti sa mga labi. Ngiti na may kasamang hiya. "Well, pinalayas niya ako at one year na akong hindi nakatira sa amin."

"Ano?!?" gulat na reaksyon ni Lucas. Hindi niya sukat akalain na kayang palayasin ni Aldrich si Yurie dahil kahit isang araw lang itong hindi makita ay pinapauwi na agad ang anak. Kung may business trip naman ang anak, tatlong beses sa isang araw kung tawagan ni Aldrich ang anak upang kamustahin at ipaalala na huwag pabayaan ang sarili. "Bakit ka naman pinalayas?"

"Nag-away kami. Dahil sa magaling kong kapatid nalaman niya na binusted ko si Blaize."

"Binusted mo na naman? Yurie, ilan beses na yan."

Sa loob ng pitong taon na pangliligaw ni Blaize dalawangpu't isang beses na itong naba-busted. Kahit na ganon ay nanatili pa rin itong kaibigan ni Yurie. Ni minsan hindi siya nagtanim ng sama ng loob o nagalit man dito. Sa kabila ng pangba-busted hindi rin naman siya nawawalan ng pag-asa. Naniniwala siya na darating din ang tamang panahon nilang dalawa.

"Bakit nga ba kasi ayaw mo?"

"Alam mo kung ano ang priority ko at para sabihin ko sa iyo wala ang lovelife sa listahan ko."

Ang prayoridad ni Yurie ang ang pamilya niya, ang magkapatid na Eun at ang Equilibrium. Ni minsan hindi niya inisip ang lovelife at ni minsan hindi pumasok sa isipan niya na magkaroon at bumuo ng sariling pamilya. Nagsimula ito nang mabigo siya sa kanyang first love.

"Grabe ka. Gusto mo ba talaga na maging matandang dalaga?"

"Pwede rin. Wala rin naman akong time d'yan."

"What? Seriously? Yurie, I know you. Ikaw yung klase ng tao na magaling magbalanse ng oras. May time management ka. Kahit gaano ka pa ka-busy nagagawan mo ng paraan para magka-free time ka."

"Huwag na natin yan pag-usapan. Bakit ka nandito?" tanong ni Yurie para maiba na ang pag-usapan nila.

"Tinawagan ko si milady..." May kinuha si Lucas sa kanyang belt bag. Ito ay isang itim na kahon. May sukat ito na 3x3x3x3. "....Sinabi ko sa kanya na tapos ko nang ma-develop ang microchip na nirequest niya five years ago." Nilapag niya ito sa harapan ni Yurie.

Kinuha ni Yurie ang box. "Bakit ang tagal?" Binuksan niya ito. Hindi niya kinuha sa box ang microchip dahil sobrang liit nito na kapag nagkamali siya at nahulog, mahihirapan silang mahanap ito.

"May gusto kasi si milady na program at codes na poprotekta sa CHO at Equilibrium. Ayaw niya rin ng ordinaryong chips lang kaya ayun tumagal ng five years ang pagdevelop. Dumaan din kasi sa maraming trial and error."

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now