Chapter 24: "Lady Georgina"

1.3K 20 4
                                    


Umaga na nang umuwi si Emerald kasama si Mhello, Near at Jamie. Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng dalawang magkapatid na Leighsizzure ang nangyari sa Imperial Hotel sapagkat nang lumabas sila ng headquarters pinasuot ulit ni Emerald ang blindfold. Natanggal na lang nang malayo na sila sa hotel. Nang makauwi sa residence doon na sinabi ng dalaga ang nangyari sa kanyang hotel. Pinangunahan na niya ang magkapatid na huwag mag-alala dahil maayos na ang lahat. Naglabas na ng statement ang Equilibrium na pananagutan ang lahat at nangako rin sila na hindi na iyon mauulit pang muli.

Kasalukuyan sila ngayon na nasa dining room. Kumakain ng agahan kasabay ng pagkain ng agahan ay ang pagpapakilala ni Jamie sa sarili.

(Bold = French)


"Ako Jamie Deivourness. Cousin ako ni Emerald. Anak ako ng kapatid na babae ng appa niya. Ako ang president ng Equilibrium at ang pamilya ko ang pangalawa sa may pinakamalaking share sa company..."


Habang nagsasalita si Jamie nakatitig si Near. Minsan pa napapangiti ang binata. Hindi niya alam ang katabi niyang si Emerald ay masama ang tingin sa kanya.


"...Ang vice president naman namin ay si Lord Vladimir. Anak siya ng dating president ng Equilibrium at ang pamilya nila loyal na loyal sa Eun family. Maging si Lord Hale at ang pamilya niya ganon din. Siya ang executive director ng Department of Research and Development."


"Lord pala ang rank ng dalawang iyon sa France pero kung utos utusan ni baby grabe," salita ni Mhello.


"I am E boss of all bosses." Nagpunas ng bibig si Emerald.


"Sabi ko nga. Baby ko, naalala ko nga pala noong nasa opisina ka tumawag si E kay President Gillmoire di ba? Sino iyon? Sino nakausap mo?"


"Si Vladimir. Sinadya ko iyon para naman hindi ako magmukhang tanga na nagsasalita wala naman kausap sa phone," tugon ni Emerald.


Napakamot ng ulo si Mhello dahil nalito siya sa sinabi ni Emerald. "Magsalita mag-isa? Eh di ba tumawag siya kay President Gillmoire?"


 "Ha? Ah...Basta...Huwag mo na lang pansin ang sinabi ko. Anyway, mamaya papasok na ako tapos ikaw, Jamie, maiwan ka dito."


"A-ako lang mag-isa dito?"


Tumango si Emerald tapos tumayo. "Linisin mo buong residence para di ka mainip."


"Sasamahan kita," biglang saad ni Near habang kumakain.


Napatingin sa kanya si Maria, Jonathan, Mhello, Emerald maging si Jamie. Tumigil si Near sa kinakain niya. Nakita niya na ang mata ng lahat ay nasa kanya.


"Anong sabi mo?" tanong ni Emerald upang makasigurado na hindi siya nagkamali ng dinig.


"Sabi ko?"


"Oo sabi mo," wika naman ni Mhello sapagkat tulad ni Emerald nais niyang makasiguro.

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now