Chapter 19: "Secret Identity Revealed"

1.3K 25 2
                                    


Naunang dumating ang presidente ng Equilibrium na si Jamie Deivournes sa restaurant ng Imperial Hotel. Sa loob ng restaurant siya lang ang tao sapagkat pinasara niya ito upang magkaroon ng privacy ang kanilang meeting. Nakaupo siya habang nakade-kuwatro ngunit ang upo niyang iyon ay sopistikada at di ipagkakaila na kabilang ito sa pamilya ng mga elite. Habang umiinom ng tsaa napatingin siya sa may pintuan ng restaurant. Natanaw niya doon si Maria at Emerald na papasok. Nilapag niya ang tasa tapos inayos ang damit at ang upo upang mas maging kagalang-galang. Naupo si Emerald ngunit kung ano ang pormal ni Jamie ang siya naman impormang niyang upo. Siya ay naka-indian sit. Sa ibabaw ng lamesa bukod sa tsaa na iniinom ni Jamie meron na ditong nakahain na mango cake para kay Emerald.

(Bold = French)


"Miss Leighsizzure, seryoso ka ba talaga na nais mo kami na maging investor?" seryoso tanong ni Jamie tapos humigop ng tsaa. "Hindi ka ba natatakot na baka sabotahin namin ang project ng LGC?"


"Sabotahin? Baka gusto mo ikaw i-sabotage ko," matapang na pahayag ni Emerald.


Napalunok si Jamie. Alam na niya kung ano ang ibigsabihin ni Emerald at ang pagiging seryoso nito ay nawala. "Eto naman di mabiro. E, ano? Kulang pa ba yang cake? Oorder pa ako."


Sa kabilang table napapangiti na lang si Maria sa dalawa.


"Bribe?"


Umiling si Jamie. "No! I'm not bribing you," matindi niyang pagtanggi. "Natanong ko lang naman iyon dahil sa itsura mo mukhang kulang pa. Anyway, para saan ba talaga ang meeting kuno na ito?"


"I have plans," sabo ni Emerald tapos sumubo ng cake.


"Ohhhhh...With s, so ibigsabihin marami. Ano-ano yan?"


"Sa thursday, sa susunod na linggo, sa may restaurant na pina-reserved ko, magkakaroon ng close door meeting with Yoon Group of Companies, Leighsizzure Group of Companies at Equilibrium pero ang nasa meeting lang na iyon ay ikaw, ako, si Vladimir, old creature at ang president ng—" Napatigil si Emerald sa kanyang mga sasabihin. Napapikit siya sapagkat kumirot ang kanyang ulo.


Lalapitan na sana siya ni Maria ngunit pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagsenyas ng kamay na huwag nang lumapit.


"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jamie.


"Yes. I'm fine."


"Are you sure? You look pale."


Di na natiis ni Maria kaya lumapit na siya sa amo. "Milady, iuuwi na kita para matignan ka ni Mr. Hans," saad niya.


"Ayaw ko. Hindi pa ako tapos."


"Emerald, namumutla ka na."


Tinabi ni Emerald ang isang platito ng cake niya upang maihiga ang ulo sa table dahil hindi na niya kaya ang sakit. Napatingin naman si Jamie kay Maria.

Our Teenage Boss by IamLycheWo Geschichten leben. Entdecke jetzt