Chapter 32: Rendezvous

754 15 0
                                    

Pagkatapos sa ospital, nagtungo si Emerald sa CHO upang tapusin na ang sinimulan na gulo ni Clarence. Naupo siya sa kanyang swivel chair habang nakakandong sa kanya si Oggy—nakaharap siya sa sampung monitor. Sa likod naman niya nakatayo si Daniella. Pinapunta niya ang dalaga sa CHO sapagkat magiging partner niya ito sa plano niya laban kay Clarence.


"So, E, saan ba magaganap ang pagbagsak ni Clarence?" tanong ni Daniella.


Pinindot ni Emerald ang enter na nasa keyboard. Nag-appear sa monitor seven ang imahe ng isang open court. "D'yan magaganap ang lahat...Sa abandoned open basketball court."


Kumuha ng swivel chair si Daniel. Naupo siya. "Wow, open pa talaga. Anong balak mo?"


Ngumiti si Emerald kay Daniella habang tumataas-baba ang dalawang kilay. Nakuha naman agad nito ang binabalak niya.


"Ahhh...Mukhang alam ko na," nakangiting saad ni Daniella. "Tatakutin mo ang mokong noh?"


Tumango si Emerald. "Kaya ito ang plano—"


Biglang may nagsalita. "So ganon kayo lang?" Nakapamulsa ang binata.


Napalingon si Emerald at si Daniella sa kanilang likod. Nang makita nila kung sino ang lalaki agad na tumayo si Daniella. Sa sobrang sabik sa binata niyakap niya ito.


"Grabe ka!" saad ni Daniella habang may pumatak na luha sa mga mata niya sapagkat sobra niyang na-miss ang binata. Kumalas siya sa pagkakayakap. "Stephen," nangingiyak niyang tawag sa binata.


Pinunasan ni Stephen ang mga luha ni Daniella. "Makaiyak naman ito akala mo nawala ako ng sampung taon."


"Namiss kasi kita."


"What are you doing here?" tanong ni Emerald.


Lumapit si Stephen at Daniella kay Emerald. "Well, narealize ko na boring ang Harvard at mas masayang kasama si CHO kesa sa kanya. Isa pa, naisip ko na mas gusto ko pala ang ganito kesa magpakanerdy sa pag-aaral."


"Ano sabi ng dad and mom mo?"


"Sa tingin mo ba may masasabi siya? Parang ito nga rin ang gusto niya para sa akin."


Bahagyang napangiti si Emerald tapos tumango siya. "I like it."


Naupo si Daniella sa swivel chair na inuupuan niya kanina.


Kumuha naman si Stephen ng isa pang swivel chair tapos naupo siya—magkatabi sila ni Daniella. "Okay lang din naman kay mommy na ituloy ko ang pagiging assassin dahil legal, may pahintulot ng U.S goverment at siyempre dahil ikaw ang boss ko."


"Music to my ears. By the way, nagkita na ba kayo?"


Tumango si Stephen. "Namiss ko ang mukha niya," nakangiti niyang saad.


"Bakit ba ayaw mong ligawan?" tanong ni Daniella. "Dahil sa crush niya si Near? Natatakot ka na hindi ka niya gusto? Ganon ba?"

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now