Chapter 7: "Criminal Hunter Organization"

2.2K 40 1
                                    


Sa kabilang dako, may isang top-rated detective na nagngangalang E. Siya ang tinuturing na pinakamakapangyarihan, pinakamagaling, pinakamapangahas at walang awang detective sapagkat wala siyang sinasanto. Noon sikat siya sa America lamang ngunit nang mapapatay niya ang dalawang international terrorist at apat na notorious na drug lord, sumikat siya sa buong mundo.

Nagtatrabaho siya sa ilalim ng pamumuno ng Special Intelligence and Espionage o SIE na isang ahensya sa USA na nangangalaga sa seguridad ng bansa laban sa terorismo; at ng International Law Enforcement and Tribunal Agency o ILETA na ahesya rin sa America na responsible sa pag-iimbestiga sa iba't-ibang klaseng krimen na nagaganap sa loob at labas ng bansa. Pinoprotektahan at dinedepensahan nila ang bansa at ang pangunahing layunin nila ay magkaroon ng mapayapang buhay ang mga mamamayan.

Kahit kailan hindi pa niya pinapakita ang kanyang mukha sa publiko—maliban na lang sa mga taong matataas ang posisyon sa gobyerno tulad ng President ng America, director ng SIE at ILETA. Dahil doon, akala ng iba na siya ay isa lamang robot na nilikha ng America upang gawin panakot sa mga kriminal.

Mayroon siyang organisasyon na ang pangalan ay Criminal Hunter Organization o CHO kung saan hinuhuli nila ang mga most wanted at notorious na criminal sa buong mundo. Ang kanilang layunin ay simple lang, Solved the case and arrest the criminals.

Si E ang sentro at pinuno ng organisasyon. Siya rin ang tinataguriang "Sassy Genius" at "Boss of all bosses" dahil sa nakokontrol niya ang mas nakakataas sa kanya. Kapag siya na ang nagsalita wala ni sino man ang pwedeng kumokontra. Mechanical voice o voice changer ang gamit niya sa pakikipagkomunikasyon sa mundo at sa pamamagitan na rin ng kanyang mga agent na kasama niya sa kanyang headquarters.

Kasalukuyan, siyang nakaupo sa swivel chair, nakataas ang paa sa lamesa, may nakalagay na bluetooth device sa tenga at nakaharap sa anim na monitor—bawat monitor ay may iba't ibang impormasyon para sa isang kaso. Ang tatlo may larawan ng kanilang mga suspek kasama ang impormasyon tungkol sa mga ito. Sa tatlo naman ay mga impormasyon at ebidensya na nakuha ng kanyang mga agent.


"R.V, connect me to Director Hopper," utos ni E.


Si R.V ay isang program computer robot na responsible sa mga tawag at sa mga e-mail na pinapadala sa organisasyon.

Kinunekta ni R.V si E kay Director Hopper na head ng ILETA.


"E, you are now connected to Director Hopper of International Law Enforcement and Tribunal Agency."


Sa kanilang pag-uusap. Tinalakay ni E kay Director Hopper na nais niyang buksan ang Sigmund-Althea Murder Case na nangyari sa Pilipinas tatlong taon na ang nakakalipas at humihingi siya ng permiso para muling buksan ang kaso. Sa kanilang pag-uusap sinabi ni Director Hopper na nahuli na ang kriminal. Kasalukuyan na itong nasa kostodiya ng Bureau of Philippine Police.

Muling tumingin si E sa monitor kung saan nandoon ang imahe ng ilan tao. Sinabi niya kay Director Hopper na hindi iyon ang pumatay at may mga suspek na siya sa likod ng krimen. Ipinaliwanag niya kung bakit inosente ang nakulong.

Ayon sa kanyang pag-aaral sa kaso, nang inimbestigahan ng ILETA ang bahay walang nakuhang fingerprints mula sa suspek. Tanging sa doorknob at sa hawak lang nitong baril meron. Wala rin gun powder na nakita sa kamay at sa damit nito. Ang tanging nagbigay ng direksyon at linaw sa imbestigasyon ay ang testimoniya ng suspek na siya ang pumatay sa mag-asawa.

Ilang beses pinaalalahanan ng ILETA ang suspek na pwede siyang makulong habang buhay pero hindi ito natakot. Ang naging sagot nito ay "Wala akong pakielam kahit pahirapan o patayin niyo ako. Wala akong aaminin dahil yun ang totoo, ako ang pumatay sa kanila."

Our Teenage Boss by IamLycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon