Chapter 15: "Endearment"

1.3K 30 2
                                    


Tatlong linggo nang nagdedate si Emerald at Flint. At sa loob ng tatlong linggo na iyon, unti-unti na nilang nakikilala ang isa't-isa; unti-unti na nahuhulog ang loob ni Emerald sa binata ngunit di niya pinapakita; unti-unti na rin niyang nakikita na tama ang kanyang hinuha na si Flint ang tutulong sa kanya upang magbago. Ngunit sa kanila pagdedate hindi nila maiwasan ang hindi mag-away—sa pag-aaway na iyon laging si Emerald ang nauuna. Ang mga kaibigan naman nila ay nakasanayan nang tawagin silang crazy couple sa tuwing magkasama sila at tanggap na nila ang ganong tawag.

Ngayon araw, magkikita ang dalawa sa park. Mapayapa, tahimik at bilang lamang ang mga tao sapagkat maaga pa. Habang naghihintay sa may bench, nilibot ni Emerald ang kanyang tingin sa buong paligid. May dalawang tao na umagaw ng kanyang atensyon. Isang babae at isang lalaki na nasa gilid ng park. Niliitan niya ang kanyang tingin at tinignan ng maigi ang dalawa sapagkat nais niyang malaman kung anong nangyayari doon. Nang mapansin niya na may takot na sa mga mata ng babae, tumayo siya sa kanyang kinauupuan, pinuntahan ang dalawa. Dalawang metro ang layo, nagdahan-dahan na siya sa paglalakad. Dahil sa nakatalikod sa kanya ang holdaper, sinenyasan niya ang babae na huwag maingay. Sumunod naman ito sa kanya. Naghanap siya ng pwede niyang gamitin na armas laban sa holdaper. Nakakita siya ng isang kawayan, pinulot niya ito atsaka lumapit sa holdaper. Nilapat niya ang dulo nito sa balikat ng lalaki.


"Hey holdaper what's up?!" nakangiti niyang sabi.


Humarap ang holdaper sa kanya kasabay ng pagtutok ng baril sa kanyang mukha at nakatutok naman sa holdaper ang kawayan.


"Bitawan mo yang hawak mo, manahimik ka at wag kang makialam kung ayaw mong mamatay," banta ng holdaper sa kanya.


Sa mukha ni Emerald di makikita ang takot at kaba.


"Okay I'm gonna drop this bamboo stick pero hindi ko maipapangako na mananahimik ako."


Binitawan ni Emerald ang hawak niyang kawayan at nagtaas ng kamay na parang susuko.


"Ngayon umalis ka na dito kung di ipuputok ko itong baril sa'yo at baka mapatay pa kita."


Hinawakan ni Emerald ang baril na nakatutok sa kanya. "Eh di patayin mo wala akong pakialam," kalmado nitong sabi.


"Bitaw!" wika ng holdaper.


Naramdaman ni Emerald na nanginginig ang kamay ng holdaper. Sa obserbasyon niya rin, hindi pa nakakabaril at lalong lalo nang wala pa itong napapatay kaya wala dapat siyang ikatakot. "Creature, tutulungan na kitang patayin ako. Dito mo dapat ako barilin, sa may puso. Huwag sa utak kasi kapag ginawa mo iyon sasabog ang katalinuhan ko."


"Bitawan mo baril ko!" pasigaw na sabi ng holdaper.


Dahil sa nakuha na ni Emerald ang atensyon ng holdaper, kinuha na ng babae ang pagkakataon upang makahingi ng tulong. Tumakbo ito't naghanap ng masasaklolohan.


"Tutulungan na nga kita na patayin ako."


"Baliw ka ba?" natatawang tanong ng holdaper.


Nagkibit-balikat si Emerald. "Siguro?"

Our Teenage Boss by IamLycheWhere stories live. Discover now